Chapter 19

281 10 0
                                    

Chapter 19

KINABUKASAN ay naunang nagising si Cris at ilang minuto niya munang tinitigan si Len-len bago niya napagdesisyunang lumabas ng k'warto.

Pagkatapos niyang mag bihis ay dumiretso siya sa kusina at may nakita siyang sticky note na nakalagay sa ref.

'Hey, man... namili lang ako ng pagkain, sobrang takaw ng babaeng 'yan! Halos maubos na niya yung pagkain! By the way 4-5 hours akong mawawala so, use that time to talk to her.

Ps. I still don't forgive her for eating my cheeseburgers!'

Naiinis niyang linukot ang papel at ilinagay 'yon sa basurahan...

Ang tigas talaga ng bungo ng damuhong 'yon!

Nagtimpla siya ng kape at tumambay sa living room para mag isip-isip pero natigil lang 'yon nang makarinig siya ng yabag.

Kanino pa nga ba?

"Good morning..." bati niya dito.

Napahinto ito sa paglalakad at gulat na tumingin sa kaniya. Maayos na ang lagay nito... wala na ang pantal sa balat nito.

Mukhang nakaugalian na rin nito ang mag-walkout sa tuwing kinakausap niya ito dahil nagtanggka na naman itong umalis pero hindi niya na ito hinayaan.

Hinabol niya ito at mahigpit itong hinawakan sa braso... pilit naman itong nagpumiglas pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito, wala siyang pakialam kung masaktan niya ito.

"There you go again, you're walking out again... ba't hindi mo 'ko kausapin? Marlene?"

Malakas nitong hinila ang braso at tinulak siya. "I'm not Marlene!" Singhal nito.

For the first time, simula nang mapunta ito sa isla... ngayon niya lang ito narinig na magsalita at hindi na bago sa kaniya ang boses nito.

Natawa naman siya at napatango. "If not... then you're Len-len?"

Natigilan ito at gulat na napatingin sa kaniya pero di din nag tagal 'yon at agad ding nawala ang emosyon sa mukha nito. "No. I'm not..." tanggi nito pero hindi niya 'yon pinansin.

"Is it fun? Is it fun to play with me?" Tanong niya dito.

"Don't act like you're just the victim here! Mr. Duallo!" Depensa nito.

"Don't give me that bullshit Marle--- Len-len--- Marvelene--- fuck! I don't even know what to call you!" Sigaw niya dito.

Hindi na nito natago ang gulat nito lalo na nang banggitin niya ang totoong pangalan ng dalaga.

"Ah! I know what to call you... liar, cunning woman, a convinning bitch, a deceiver!" Marahas siyang napasuklay sa buhok niya, "Ano?! Masaya ba?! Masaya ka ba sa paglalaro mo sa'kin?!" Sigaw niya dito.

"Pareho lang naman tayong naglokohan dito! Habang nababaliw ako sa kakahanap ng impormasyon tungkol sa may-ari ng lintik na kompayang 'yon! Nandito na pala ang hayop sa tabi ko!"

Pagak siyang natawa. "Ginagago mo ba ako? If yes, then you succeed! Gagong-gago na ako sa'yo Marle--- fuck!" Sinabunutan niya ang sarili niya at hinarap ito, "You're right... tinago ko sa'yo ang totoo kong pagkatao. Pero pinakilala ko sa'yo ang totong pangalan ko, pinakita sa'yo ang totoong itsura ko, ang totoong kulay ng mata ko at ang totoong nararamdaman ko para sa'yo! Pero ikaw... tanging palayaw mo lang na Len-len lang ang totoo sa'yo."

Hindi niya napigilan ang emosyon niya pero marahas niya namang pinunasan agad ang mata niya. Hindi niya akalain na aabot siya sa ganito.

"Minahal mo ba talaga ako?" Di kalauna'y tanong niya dito.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon