Chapter 24
MALAKAS na ibinagsak ni Cris ang folder na hawak niya kung saan nakalagay ang resulta ng ratings nila simula nung insedente... Mukhang nagtatagumpay na si Marvelene sa plano nitong pabagsakin siya dahil unti-unti nang nagsisi-alisan ang mga empleyado niya dahil hindi na daw ligtas ang kompanya niya dahil sa mga nangyari.
Napatingin siya sa pinto nang office niya nang bumukas 'yon at pumasok si Eugene.
"Kung masang balita lang ang sasabihin ko mas mabuting 'wag mo na lang sabihin," saad niya.
Huminga muna ito nang malalim at tumingin sa kaniya nang diretso. "Karamihan sa mga artista ng CRS na nag-expire na ang kontrata ay lumipat na sa ibang company dahil na-trauma sila sa nangyari dito."
Sinamaan niya ito ng tingin... Kahit kailan talaga hindi ito nakikinig sa sinasabi niya.
"I don't fuckin' care! Lumipat sila kung gusto nilang lumipat! Hindi sila kawalan!" Singhal niya dito.
Tumango naman ito at di nag tagal ay umalis na.
.
PAGKATAPOS niyang asikasuhin ang trabaho niya ay agad siyang dumiretso sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan niya... Gusto niya munang kalimutan ang lahat sa pamamagitan ng paglalasing.
Nang makalagok siya ng alak ay nasarapan siya sa pakiramdam na parang sinusunog ang lalamutan.
"Fuck!" Pabagsak niyang linagay ang basong hawak niya at saka muling nagsalin.
Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin... Pero di niya natiis na di ito tignan dahil ramdam na ramdam niya ang titig nito sa kaniya.
"You look stressed..." Saad nito saka hinaplos ang pisngi niya.
Pasimpleng napataas ang gilid ng labi niya bago ito lapitan at siilin ng halik... Marahas ang pagkakahalik niya dito pero wala siyang pakialam dun. Hinila niya ang buhok nito pababa para tumingala ito sa kaniya.
"Yes, honey. I'm stressed and I'm not a gentleman, so you better get ready..."
Gaya ng plano niya ngayon gabi... Kakalimutan niya muna ang lahat at kasama na dun ang babaeng tanging dahilan ng lahat ng 'to.
...
LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Marvelene para takasan ang mga taong inatasan na magbantay sa kaniya.
May nakasalubong siyang babaeng may dalang coat kaya pasimple niya itong binangga.
"I'm sorry..." Sabi niya dito nang hindi ito tinitignan saka pasimpleng kinuha ang coat nito at dali-daling umalis.
Napabuntong-hininga siya nang tuluyan siyang makapasok sa building ng condo ni Cris saka dumiretso sa elevator at dun na siya tuluyang nakahinga nang maluwag...Ilang beses na siyang nagdo-doorbell sa unit ni Cris pero walang nagbubukas kaya naman siya na lang ang nagbukas nito dahil alam niya naman ang passcode sa unit nito pero awtomatikong na ngunot ang noo niya nang hindi ito bumukas... Ilang beses niyang sinubukan pero mali na yung passcode na alam niya.
Huminga siya nang malalim bago lumapit sa katapat na unit ng binata at doon na lang pumasok...
Sila ni Cheska ang bumili sa unit--- hindi pala... siya lang pala ang namilit na bilhin ang katabing unit ni Cris para mabantayan niya ito nang mabuti at para masigurado niya ang kaligtasan nito nang hindi niya pa alam na ito pala ang punterya niya.
Gusto niyang matawa at maiyak dahil sa sitwasyon nila ng binata... Nakakabaliw sa kaiisip kung ano ba ang dapat niyang maramdaman para dito, pero nandito na sila kaya wala ng atrasan 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/211939703-288-k937491.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...