Chapter 46

276 10 0
                                    

Chapter 46

"LEN?"

Dali-dali niyang tinago ang laptop na hawak sa ilalim ng kama saka lumapit sa pinto at pinagbuksan ang asawa niya.

"Naistorbo ba kita?" Tanong nito. Umuling naman siya bilang sagot at linuwagan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ito.

Isang buwan na ang nakalipas simula nang maospital ito at mabilis na naka-recover ang katawan ni Cris sa nangyari. At sa lumipas na buwan ay patuloy pa rin nilang inaayos ang relasyon nilang dalawa. Kasalukuyan silang nakatira sa bahay nila, kahit pa maraming nangyaring masama ay pinangako nila ni Cris sa isa't-isa na pupunuin nilang muli ng masasayang ala-ala ang bahay na kinalakihan niya, pero bago 'yon ay kailangan muna nilang matapos ang gusot sa buhay nila.

Natigilan siya nang bigla siyang yakapin nito. Sinubsob nito ang mukha sa leeg niya saka napabuntong-hininga. Hinagod niya naman ang likod nito at ginulo ang buhok nito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

Umayos ito ng tayo at tinignan siya habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa bewang niya. "Stress lang sa trabaho... Unti-unti ng lumulubong ang kompanya ko kahit pa ginagawa ko na ang lahat para maayos ang kompanyang pinaghirapan ko, pati mga kaibigan ko nagtataka na kung bakit ba nangyayari sa'kin 'to. Pinagkakatiwalaan ko ang mga empleyado ko at hindi maisip na isa sa kanila ang tumatraydor sa'kin."

Huminga siya nang malalim saka hinila ito paupo sa kama. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nasasabi dito ang tungkol sa sekretarya nitong si Eugene. Hindi niya alam kung saan magsisimula.

Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago magsalita. "Bakit hindi mo na lang ibulgar ang totoo mong pagkatao?" Suhestyon niya at mukhang napukaw niya ang atensyon niya.

"You think it'll help?" Tanong nito na kaagad niyang tinanguan.

"Yeah... Si Eugene ang kadalasang umattend sa meetings mo, tapos minsan magpapanggap kang alalay niya. Baka iniisip na ng mga tao na siya talaga ang may-ari ng kompanya mo," saad niya.

Napatitig ito bigla sa kaniya at kita niya ang pagtataka sa mukha nito. "Don't you trust him?" Tanong nito.

Napabuntong-hininga siya saka umiling. "I don't," sagot niya.

"Did something happen?" Nag-aalalang tanong nito saka hinaplos ang pisngi niya.

Naalala niya bigla yung flashdrive at voice recorder na nakuha niya noon na sa malamang ay nasa kamay na ni Crisostomo at nawala na. Lalo pa't isa 'yon sa pinakamatibay na ebidensya laban dito.

"Wala naman," tanggi niya. Napagdesisyunan niyang hindi na muna sabihin dito ang totoo.

"But I can see that something is bothering you," saad nito saka hinaplos ang pisngi niya, "Tell me."

Huminga siya nang malalim saka hinila ito paupo sa kama at kinuha ang mga gamit niyang tinago niya sa ilalim ng kama.

"Para saan ang mga 'yan?" Biglang tanong nito habang nakakunot ang nuo. Alam niyang hindi nito magugustuhan ang ginawagawa niya.

"I'll use that to make them pay," sagot niya.

"By putting an explosive devices on his company and blow it?" Ramdam niya ang sarkasmo sa boses nito.

"I'll kill him... All of them," saad niya.

Marahas itong napasuklay sa buhok nito. "Hayaan mong ako ang maningil sa kanila, sa ginawa nila sa'yo... Just trust me, Len-len. I'll take care of everything."

"No... Ayoko kong may masama na namang mangyari sa'y ng dahil sa'kin. We will do it together."

.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon