Chapter 14
PAGKAGISING ni Cris ay wala na si Len-len sa tabi niya. Nang bumangon siya ay bumungad sa kaniya sa itsura ng k'warto ng dalaga... ilang beses na siyang natulog sa k'warto nito at ngayon lang siya naabutan ng sikat ng araw dito.
Lumapit siya sa garden na nasa loob mismo ng k'warto nito, karamihan sa halaman dun ay patay na at napapagitnaan nun ang halaman na pinabigay ni Lola Lucrecia. Wala rin masyadong gamit sa k'warto nito bukod sa isang cabinet, study table at computer set, at halos napapalibutan ang buong k'warto ng itim na kurtina.
Nakaramdam siya ng kakaibang bigat ng kalooban habang nakatingin sa kabuuan ng k'warto...
Nang lumabas siya sa k'warto ni Len-len ay nadatnan niya itong naghahanda ng pagkain sa kusina. Napatingin ito sa gawi niya at agad na napangiti.
"Good morning! Cristobal," masayang bati nito at lumapit sa kaniya saka yinakap siya sabay na hinalikan sa pisngi.
Nang pumasok ito sa k'warto nito kagabi ay hindi na sila nakapag-usap dahil nadatnan niya itong nakahiga na sa kama at natutulog kaya tinabihan niya na lang ito.
Yinakap niya rin ito at hinalikan. "Good morning din sa'yo, Len-len."
Humiwalay ito ng yakap sa kaniya at hinila siya paupo. Pinagsilbihan siya nito na para bang mag-asawa sila.
"You cooked this?" Tanong niya dito habang umiinom ito ng kape.
Nang mailapag nito ang tasa ay matamis itong ngumiti sa kaniya. "Hindi, linuto 'yan ni Lola bago siya umalis papunta sa palengke... hindi kasi ako marunong," sagot nito.
Tumango na lang siya at pinagpatuloy ang pag kain niya.
"Gusto mo ba ng kape?" Tanong nito.
Awtomatiko naman siyang napailing at nginitian ito. "Tubig na lang."
Tumayo naman ito at kinuha siya ng tubig. "Anyway, ayos na ba 'yang mata mo?" Tanong niya dito nang makaupo ito.
Ngumiti naman ito at tumango. "Okay na siya..." sagot nito at hinawakan ang kamay niya, "Sorry nga pala kagabi kung ganun ang inakto ko. Masyado kasi akong stress sa mga nakaraang araw."
"It's okay, I understand... pero sa'n ka ba galing kagabi?"
Natigilan ito saka naiilang na tumingin sa kaniya at hindi umimik. "Marlene, I'm asking you..."
Napabuntong hininga ito at inusog ang upuan nito palapit sa kaniya. "Kailangan ko pa bang lumapit sa'yo ng ganito para tawagin mo akong Len-len?" Naiinis nitong sabi at sinubuan siya ng pagkain, "kumain ka nga diyan, baka dumating si Lola at madatnan kang hindi kumakain, pagagalitan na naman ako nun at baka sabihin pang hindi kita inaalagaan."
Napasimangot naman siya. "Hindi mo naman talaga ako inaalagaan... iniinsulto mo lang ako lagi," pagmamaktol niya na ikinatawa naman nito at tila nabura na sa isip niya ang gusto niyang itanong dito.
"Ganyan ako maglambing, Manong Cristobal... masasanay ka rin," natatawang sabi nito.
Napatitig naman siya dito at hinawakan ang kamay nito. "Magiging abala ako sa susunod na linggo... baka madalas na lang tayong magkita."
Nalungkot naman ito at naglalambing na yumakap sa kaniya. "Ngayon pa lang mami-miss na kita," saad nito, "Ano ba kasing aasikasuhin mo?"
"Work."
Humiwalay ito ng yakap sa kaniya. "Ano ba talagang trabaho mo?" Tanong nito.
"I work in a company."
"Talaga? Ano naman ang trabaho mo dun?" Tanong nito.
"Just a simple employee... kung ano-ano lang." Pagsisinungaling niya.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...