Chapter 48

296 9 0
                                    

Chapter 48

HINDI pa man sila tuluyang nakakalabas ng building ay humarang na sa daraanan ang mga bodyguards ni Crisostomo.

Hinawakan ni Cris nang mahigpit ang kaliwa niyang kamay dahilan para mapatingin siya dito. Madilim ang mukha nito at nasisiguro niyang konting galaw lang ng mga tauhan ni Crisostomo ay puputok sa galit ang asawa niya.

Napakuyom ang kanan niyang kamay nang makita niyang naglalakad papalapit sa kanila si Crisostomo habang may naglalarong ngiti sa labi nito.

"Look who's here!" Saad nito saka humalakhak na parang demonyo, "Ang lalakas naman ng loob niyong tumuntong dito sa teritoryo ko," dagdag pa nito kasunod nun ang pag-hila ng mga bodyguards kay Lexxian at Rhay saka marahas silang itinulak dahilan para sumub-sob ang mga ito sa sahig.

"Lex!" Napatingin siya kay Brix na ngayon ay hawak na rin ng mga bodyguards.

"Let them go," pahayag ni Cris na may halong pagbabanta.

Pasimple niyang kinuha ang maliit na remote na mag a-activate sa bombang ikinabit niya. Pero nang pindutin niya 'yon ay hindi ito gumana, kahit pa ilang beses na niyang pinindot 'yon.

Shit!

Narinig niyang napahalakhak si Crisostomo. Madalim ang mukhang tinignan niya ito.

"I guess, your friend is still on my side," saad nito.

Napatiim-bagang siya dahil sa sinabi nito. Hindi niya na alam kung anong magagawa niya kay Cheska kung sakaling makita niya ito ulit. Paniguradong hindi na siya mag-aatubiling patayin ito. Hindi niya maiwasang magsisi na hindi niya ito tinuluyan. Nasa kaniya na ang pagkakataon pero hindi niya pa nagawa!

"Hulihin niyo silang lahat! Siguradouhin niyong walang makakatakas sa kani---"

Hindi niya alam kung bakit tila naging musika sa kaniyang tenga ang malakas na pagsabog mula sa top floor.

Nakita niya ang panlilisik ng mga ni Crisostomo sa kaniya pero nginisihan niya lang ito.

"I guess, my equipments doesn't want to disappoint me," saad niya saka mabilis na kinuha ang baril sa likod niya at ipinutok 'yon sa mga tauhan Crisostomo na may hawak kina Lexxian, Brix at Rhay.

"You bitch!" Nanggagalaiting sigaw ni Crisostomo at inagaw ang baril ng isa sa mga tauhan niya at sunod-sunod silang pinaputukan. Mabuti na lamang at mabibilis ang reflexes nila at kaagad na nakaiwas sa bala.

Tumakbo sila at naghiwa-hiwalay para makahanap ng ibang daan palabas ng building lalo pa't sunod-sunod na ang narinig nilang pagsabog at nagsisumula ng kumalat ang apoy. Bawat floor ay tinatiman nila ng bomba kaya kailangan nilang makalabas kaagad kun'di sama-sama silang sasabog at masusunog.

Malutong silang napamura ni Cris nang hindi na mabuksan ang mga pinto. Napadaan sila sa cr kaya agad niyang hinila si Cris papunta doon at laking pasalamat niya nang makakita ng may kalakihang bintana at siguradong kakasya silang dalawa.

Kaagad niyang binuksan ang bintana at dali-dali siyang binuhat ni Cris pero habang nasa kalagitnaan siya ng pagbaba biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong tauhan ni Crisostomo.

"Mauna ka na, Len. Susunod ako!" Saad nito at kaagad na pumasok sa isa sa mga cubicle nang magpaputok ang mga ito.

"Cristobal!"

Mabilis siyang nakababa at tumakbo para magtago dahil sunod-sunod din siyang pinaputukan.

Napahawak siya sa braso niyang nadaplisan ng bala saka lumingon sa pinanggalingan niya para tignan kung nakasunod na ba si Cris pero napuno siya nang pag-aalala nang makarinig ng sunod-sunod na putok.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon