Chapter 5

404 17 0
                                    

Chapter 5

PAKIRAMDAM ni Cris ay nababaliw na siya. Ito ang unang beses na nagdala siya ng babae sa condo niya. Karamihan ng mga babae niya ay sa hotel o sa kung saan p'wede. Pakiramdam niya tinatraydor niya ang sarili niya dahil sa pinaggagagawa niya.

Nakaupo si Marlene ngayon sa maliit niyang dining table habang nagsusulat sa notebook nito. Hindi niya rin namang maiwasang mapatingin dito lalo na sa tuwing kumukunot ang noo nito na parang hindi naiintindihan ang binabasa.

"Picturan mo kaya ako," biglang sabi nito na ikinatigil niya.

"What?" Tanong niya.

Ngumiti ito nang nakakaloko at nag peace sign saka nag pa-cute. "Para mas matitigan mo ako ng matagal," hirit nito, "Dali na, Cristobal!"

Wala na siyang nagawa kundi kunin ang cellphone niya na nasa island counter at kinunan ito ng litrato pagkatapos ay agad din itong lumapit sa kaniya para tignan ang kuha niya.

"Yan! Mas matititigan mo na ako nang matagal!" Masayang saad nito.

"Tss. Assuming, I wasn't staring at you," depensa niya.

Naningkit ang mga mata nito at natawa. "Talk to my hand, Cristobal."

Naiinis siyang napatingin dito. "Bakit kung maka-Cristobal ka parang mas matanda ka pa sa'kin ah!" Napapantastikuhan siyang napatingin dito.

Ngumisi ito. "Pasensiya na po, Manong Cristobal," sabi nito na may halong pang-aasar.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "I prefer Cris."

Umiling ito at matamis na ngumiti. "Ayoko, baka kasi sabihin mong wala akong galang sa matatanda."

Hindi ganun kahaba ang pasensiya ni Cris sa tuwing inaasar siya pero hindi niya alam kung bakit pinag-bibigyan niya pa rin ito sa pang-iinsulto nito sa kaniya. Parang hindi na niya kilala ang sarili niya.

Napatitig siya bigla sa mukha nito.

Bagay kaya sa kaniya pag wala siyang salamin at hahawiin ang bangs niya?

Parang may sariling isip ang mga kamay niya at kusa itong gumalaw para hawiin ang bangs nito. Agad na umiwas si Marlene.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong nito at unti-unting umatras pero nawalan na ito ng aatrasan at napasandal na lang sa refrigerator. Itinukod ni Cris ang isang kamay sa ref.

Taim-tim niyang tinitigan ang mga mata nito. "Do you wear contact lenses?" Tanong niya dito habang nakatitig pa rin sa kulay tsokolate nitong mata.

Nag-iwas ito ng tingin. "N-natural lang 'yan!" Depensa nito.

Hahawiin niya na sana ang bangs nito nang pigilan siya nito. "H'wag!" pigil nito.

"Just let me see."

"N-no... Pumapangit ako lalo pag wala akong bangs," sabi nito, "Malapad ang nuo, nakakahiya," dagdag pa nito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya para hindi mahawakan ang buhok nito.

Ilang minuto rin silang nagtitigan at natigil lang 'yon nang tumunog na ang oven. "Mukhang luto na," naiilang na sabi nito.

Tinignan niya muna ito ulit bago umalis sa harap nito para kunin ang linagay niya sa oven.

.

NAKITA niya ang pagtataka sa mukha nito nang ilapag niya ang ginawa niya.

Hindi niya ba nagustuhan?

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong nito at tumingin sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa tanong nito. "It's Mac & cheese," sagot niya.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon