Chapter 32

224 5 0
                                    


Ito na ang continuation kina Len-len at Cris since tapos na ang flashback! Happy reading❤❤❤


Chapter 32

NAKATULALA lang si Marvelene sa kawalan at patuloy na pinagagana ang utak niya para makaisip ng paraan para makatakas. Palagi siyang nakakulong sa isang k'warto sa Mansyon ni Mr. Zheta at isang linggo na ang lumipas simula nang magkita sila ni Cris. Miss na miss niya na ito at gustong-gusto niya na itong makasama.

Pero paano?

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa pinto nang bumukas ito. Hindi siya umimik at hinayaan lang si Cheska na makalapit sa kaniya.

Minsan gusto niya itong batukan nang malakas para matauhan ito sa ginagawa nito kay Howen. Alam niya ang pakiramdam na manloko at manloko.

"Maghanda ka... Pupuntahan natin yung designer ng wedding gown mo," saad nito.

Si Cheska ang organizer ng kasal kaya halos ito na ang mag-asikaso sa lahat. Hindi niya mawari kung kaibigan ba talaga ang turing nito sa kaniya. Ni hindi manlang nito sinubukan na tulungan siya...

Kung sa bagay, bahag ang buntot nito.

Tumango lang siya sa sinabi nito pagkatapos ay nagbihis na. Wala naman siyang magagawa kun'di ang sumunod lagi. Gusto niya ring makalanghap ng sariwang hangin sa labas kahit sandali lang.

NAKASUNOD lang siya kay Cheska habang naglalakad sila papunta sa isang silid kung nasaan ang wedding gown niya at nag design nito. Nang makapasok sila'y bumungad sa kaniya ang isang babae na abala sa pagsusuri ng gown na para bang sinisiguro nito na walang mali.

Napabaling ito sa kanila at agad na ngumiti.

"Hi... Good afternoon," bati nito at napatingin sa kaniya at kita niya ang pagtataka at pagkagulat sa mukha nito. Malamang. Masyado kasi siyang bata para kay Mr. Zheta.

"Hi, you must be Marvelene... I'm Rosario, nice to finally meet you." Linahad nito ang kamay na agad niya namang tinanggap, pero hindi siya umimik at pilit niya lang itong nginitian.

Lumapit ito kay Cheska at nag-usap ang dalawa tungkol sa gaganaping kasal habang siya naman ay nakatayo sa harap ng gown.

Hindi niya maiwasang malungkot dahil hindi naman makikita ng pinakamamahal niya na suot niya 'yon, ang masakit pa dun ay hindi naman si Cristobal ang pakakasalan niya.

Hindi niya inaasahan na si Cristobal pala ang kinuwento ni Mr. Zheta na bastardong anak na katatagpuin nila para ipakilala siya... Nakuwento na rin ni Cheska sa kaniya ang dahilan kung bakit malaki ang galit nila sa isa't-isa.

Napatingin siya kay Cheska nang lapitan siya nito. "Dito ka lang muna. I'll just check out the venue," saad nito na agad niya namang tinanguan, "And don't try to escape... Kung ayaw mong sumabog ang utak ni Cris," dagdag pa nito bago tuluyang umalis.

Isa din yun sa dahilan kung bakit hindi niya magawang manlaban. Inaalala niya si Cris, baka kung anong mangyari dito sa mga hakbang na gagawin niya.

He's all I have... I can't lose him too.

"Are you okay, Ms. Faustino? Or should I say soon to be Mrs. Zheta?"

"Marvelene... Just Marvelene," pagtatama niya.

Napatango naman ito saka siya nginitian. "Hindi naman sa nangingialam ako, pero ba't parang malungkot ka yata? Hindi ka ba masaya na ikakasal ka na?"

Nag-iwas siya ng tingin at pilit na linalabanan ang emosyon niya... Pero hindi siya nagtagumpay.

"Paano naman ako magiging masaya kung hindi naman ang taong mahal ko ang pakakasalan ko?"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon