Chapter 10
SA sumunod na araw hindi nagkita si Cris at Marlene dahil marami daw itong aasikasuhin sa eskwelahan. Habang si Cris naman ay inayos ang issue tungkol sa nangyaring insedente sa CRS.
Walang magawa si Cris sa sumunod pang araw kaya naisipan niyang bisitahin ang kaibigan niyang si Randolf. Pakiramdam niya hindi siya mage-enjoy na tumambay sa cafe dahil hindi niya kasama si Marlene, nasanay na siya sa presenya ng dalaga at sa kakulitan nito. Hindi na rin niya maitatanggi sa sarili niya na talagang nahuhulog na siya sa dalaga, pero hindi niya naman alam kung paano ito sasabihin dito. Knowing Marlene, siguradong lalaki ang ulo nito at aasarin siya ng todo gaya ng mga kaibigan niya.
"Good afternoon sa'yo, hijo," bati sa kaniya ni Cora. Ang nanay-nanayan ni Queennie, "halika pasok ka."
Sumunod siya dito nang maglakad ito papasok sa Mansyon ni Randolf.
"May gusto ka bang inumin?" Tanong nito nang maihatid na siya nito sa garden kung nasaan ang kaibigan niya at nakikipaglaro sa anak nito.
"Anything will do," nakangiti niyang sagot dito.
Napangiti rin ito pagkatapos ay iniwan muna siya.
"Hey Man!" Bati niya sa kaibigan niya saka bumaling sa anak nito, "Hello sa'yo Qen," bati niya rin sa anak nito.
"Hello po," bati rin nito pagkatapos ay tumakbo palayo para kunin ang bolang nilalaro nila ni Randolf.
"What's up, Man? Napadalaw ka?" Tanong nito at sinalubong ang tumatakbo nitong anak, "Hey Qen! Stop running around baka madapa ka. Lagot tayo kay Mama," saad nito sa anak habang pinupunasan ito ng pawis.
Nakatitig lang si Cris sa mag-ama at hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng inggit sa nakikita niya. Napaisip siya bigla kung mararanasan niya rin bang makipaglaro sa mga anak niya.
Napatingin sila kay Cora nang pumasok ito at may dalang inumin pagkatapos ay kinuha muna nito si Qen.
"Anong pakiramdam na magkaroon ng pamilya?" Bigla niyang tanong sa kaibigan.
Bigla naman itong napatingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala. Gusto niya namang kutusan ang sarili niya dahil sa biglaang pagtatanong dito.
"Do you already picture yourself standing in front of the altar with the woman you love? And have kids with her?" Tanong rin nito.
Napatigil naman siya bigla dahil sa tanong nito... "Yeah..." Amin niya at malalim na napabuntong hininga.
"But she's too young for that?" Tanong na naman nito.
Mukhang kailangan niyang maglabas ng saloobin kahit papaano, kaibigan niya naman ito at naiintindihan siya nito.
"Yeah and it's so frustrating... Kung ganun pa rin ako kagago gaya noon, baka binuntis ko na siya na walang kahit na anong pag-aalinlangan para makasama ko siya. But I know she's not yet ready."
Natawa ang kaibigan niya at napailing. "Ikaw ba talaga 'yan, Man?" Natatawang tanong nito, "One of your weakness is to impregnant a woman pero ngayon halos gustong-gusto mo na," pang-aasar nito.
"But timing is bullshit... Kung kailan naman gusto ko ng magkaroon ng pamilya dun pa sa hindi pa handa," dismayado niyang saad dito.
"Just be patient, Man. Malay mo sa susunod baka sumang-ayon na sa'yo ang tadhana," makahulugang sabi nito.
"What do you mean?"
Umiling ito. "No one knows..."
...
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...