Longest Chapter. Enjoy😘
Chapter 502 years later...
"MAGANDANG araw, Ma'am Len-len," bati sa kaniya ni Mang Allan nang makapasok ito sa opisina niya.
"Kamusta po kayo, Mang Allan?" Bati niya rin dito.
"Medyo abala sa mga nakaraang araw dahil sa pamamahala sa Garden niyo, pero masaya naman dahil maraming bata ang nakikinabang lalo na sa edukasyon nila, " sagot nito.
Napangiti naman siya. "Maraming salamat nga po pala dahil sa pagtanggap niyo sa alok ko lalo na po dito. Medyo mabigat na pasanin ang ibibigay ko sainyo pero alam kong kakayanin niyo 'yon."
"Aba siyempre naman, para rin naman 'to sa magandang kinabukasan ni Edan, kaya gagawin ko ang lahat."
"Maraming salamat po," saad niya.
"Walang ano man, Ma'am Len-len. Malaki rin ang pasasalamat ko sainyo dahil napakalaking tulong ang naibigay mo dito sa lugar namin. Nang dahil sa'yo, nagkaroon kami ng magandang buhay lalo na sa pagbibigay mo ng magandang kinabukasan sa mga anak namin."
Sa nakalipas na dalawang taon ay mas naging abala siya sa negosyo niya. Kung hindi dahil sa tulong ng asawa at ng mga kaibigan nito'y hindi niya makakamit ang pinapangarap nila ng Ate niya.
Lumalago na nang lumalago ang Len-len's Palayan Trading at ngayon ay on-going na ang pagpapatayo niya ng resort at pagpapaayos sa lugar para sa mga extreme activities na p'wedeng gawin ng mga turistang bibisita sa lugar.
Nakapagpatayo na rin sa ng Malaking bahay sa Minarog kung nasaan ang opisina niya para na rin may matutuluyan ang asawa niya at ng mga kaibigan nito sa tuwing dumadalaw ang mga ito.
Ikinasal na ulit sila ni Cris at pagkatapos ng honeymoon nila'y muli siyang naging abala ganun din naman ito pero minsan ay hindi ito nakakatiis at talagang pinupuntahan siya nito. Dahil kaya naman daw umusad ng CRS kahit wala si Cris.
Malaki rin ang pasasalamat niya sa asawa niya dahil sa haba ng pasensya nito sa kaniya. Wala siyang naririnig na reklamo mula rito at sobrang iniintindi siya nito.
Nagpaalam na sa kaniya si Mang Allan para bumalik sa trabaho pagkatapos niyang sabihin ang mga dapat na gawin nito. Muli niyang inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga papeles na iiwan niya para kay Mang Allan.
Napahinto siya nang marinig ang pagbukas ng pinto agad naman siyang napangiti nang makita kung sino ang pumasok.
"Hey there, My wife. Miss me?"
Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap saka pinugpog ng halik ang mukha nito.
"I miss you so much, Cristobal," bulong niya dito.
"Nag-tatampo na ako sa'yo," pagda-drama nito, "Nakakaya mo talagang hindi umuwi ng ilang buwan at hindi ako makita dahil lang sa trabaho?"
Natawa naman siya saka napailing. "Alam ko naman kasi na hindi ka makakatiis at pupuntahan mo ako dito," saad niya.
Sumang-ayon naman ito. "Yeah, right. Madali kang mapagod pag bumabyahe kaya ako na lang ang babyahe para sa'yo."
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficción GeneralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...