Chapter 15
MALALIM na ang gabi at nakakatulog pa lang si Cris dahil hindi niya pa rin makalimutan ang pag sagot sa kaniya ni Len-len... pero agad din siyang naalipungatan nang marinig na umiiyak si Len-len sa tabi niya.
Walang lampshade sa side table ni Len-len at hindi rin siya pinapakawalan nito naman kinapa niya na lang ang mukha nito.
"Len?" Tawag niya dito habang hinahaplos ang basa nitong mata.
"N-no... p-please."
Mukhang nananaginip ito kaya naman yinogyog niya ito nang ilang beses. "Hey, Len-len!" Pang-gigising niya dito habang mahinang tinatapik ang pisngi nito.
Napabalikwas ito ng bangon habang habol ang hininga. Bumangon din siya at yinakap ito.
"Cristobal..." umiiyak nitong tawag sa pangalan niya.
"Ssshh. It's okay... I'm here," pagpapakalma niya dito.
Nahiwagaan tuloy siya kung ano ba ang napanaginipan nito at umiiyak ito.
...
SA sumunod na araw naging abala na si Cris sa trabaho, ganun din naman si Len-len kaya wala na silang masyadong oras para magsama. Pero pinangako niya naman dito na pagmatapos ang trabaho niya ay sa dalaga na ulit ang atensyon niya... ilang beses niya na ring pinag-isipan na sabihin dito ang totoo niyang pagkatao at buo na ang desisyon niya, may tyansa na magalit o mainis ito sa kaniya pero tatanggapin niya 'yon. Pakiramdam niya kasi hindi niya na kakayanin na pigilan ang sarili niya na sabihin dito ang totoo...
Kasalukuyang nasa isang board meeting si Cris kasama si Randolf at Eugene para sa new project nila ng kaibigang si Randolf, nang bigla na lang mag ring ang cellphone niya kaya naman nag-excuse muna siya para sagutin ito.
"Hey, Man," bungad sa kaniya ng kaibigan niyang si Jet.
"What's up?" Tanong niya.
"I think this fucker is making a move again," sagot nito na ikinagulat niya.
"What?! Now?!"
"Na-freeze lahat CCTV sa kompanya mo and I can't get into it but I'm already working on it..."
Nagpresenta itong mag bantay muna ito sa CCTV room habang nag me-meeting sila sa loob.
Malutong siyang napamura nang mamatay ang lahat ng ilaw sa buong building.
Nagmamadali siyang bumalik sa loob."Anong nangayayari?" Tanong ni Randolf sa kaniya ganun din ang ibang board of directors.
"Is he attacking you again?" Tanong ni Randolf.
Wala na siyang pakialam kung makilala na siya ng mga ito basta't importante ay ligtas ang mga ito. "Yeah..." sagot niya, "Eugene, ilabas mo sila dito using the fire exit. Ako na ang bahala sa mga employee." Umalis na siya ulit at tinulungang makalabas ang mga nagkakagulong empleyado.
Napuno ng tilian ang buong building nang bigla na lang silang may narinig na pagsabog.
Tinawagan niya ulit si Jet para makibalita."Fuck it Man! I nearly died you moron!" Bungad nito
Natigilan naman siya. "What happened?" Tanong niya.
"Sumabog yung CCTV room!" Sagot nito habang umuubo pa.
Naibalik na ulit yung ilaw kaya agad niyang pinatay ang tawag at nagmamadaling pumasok sa opisina ni Eugene para pumunta naman sa opisina niya...
HABANG naglalakad siya papunta sa opisina ay pabigat din nang pabigat ang nararamdaman niya.
Napatingin siya sa paligid nang mawala na naman ang ilaw kaya ginamit niya ang flashlight ng cellphone niya at tuluyan ng pumasok sa opisina niya pero agad niyang nabitawan ang cellphone niya nang may biglang bumato sa kaniya ng babasagin, mabuti na lang at tumama 'yon sa pader pero muli siya nitong binato at tumama na 'yon sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficção GeralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...