Secret Identities Series#2
Maraming salamat sa nagbabasa ngayon at sa mga nakaabot dito. Maraming salamat sa paglalaan ng oras na basahin ang k'wentong ito. Happy reading ❤
...
EPILOGUE
HINDI mabilang ni Cris kung ilang beses na siyang napahinto para magpahingana0
Bakit ba kasi hindi na lang kami nag Chopper? Haist!"Daddy! Hurry up!" Tawag sa kaniya ng prinsesa niya na ngayon ay nakapasan sa likod ng panganay nila.
"Pagpasensyahan mo na ang Daddy niyo tumatanda na kasi," pang-aasar naman ng asawa niya.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Let's see later who's getting old," banta niya.
Inirapan naman siya nito. "Busy ako mamaya, Cristobal. Kaya itulog mo na lang 'yan," saad nito at nauna na itong maglakad.
Napasimangot naman siya bago ipagpatuloy ang paglalakad niya saka inakbayan ang asawa niya.
Papunta sila ngayon sa Minarog at pinili ng prinsesa nila na doon mag diwang ng ika-pitong birthday nito sa susunod na araw.
"Charlotte, bumaba ka na. Napapagod na ang kuya mo," saway ng asawa niya sa bunso nila.
"It's okay, Mom. Kaya naman akong buhatin ni kuya kahit chubby ako," sabi ni Charlotte.
"Kaya ko naman, Mom." Sabad ng panganay nilang si Charles na sampung taong gulang. Hindi akma ang height nito sa edad nito, since pareho silang matangkad asawa niya'y hindi na sila nagtaka. "Sa susunod princess, wag kang mag-yaya na mag-hiking tayo kung magpapabuhat ka naman," saad nito sa nakababatang kapatid pero humagikgik lang ito.
NANG makarating sila sa Minarog ay mainit silang sinalubong ng mga tao doon. Parang pangalawang tahanan na nila ang lugar at gustong-gusto ng magkapatid ang lugar kaya madalas silang magpunta dito sa tuwing walang klase ang mga anak nila.
"Magandang araw po sa inyo!" Bati sa kanila ni Edan.
Napatingin naman siya sa mga kaibigan niyang naghihintay sa kaniya.
"How's the walk? Mabuti hindi bumigay ang tuhod mo," tudyo sa kaniya ng asawa ni Jam. Sinamaan niya naman ito ng tingin pero tumawa lang ito.
Napatingin naman siya sa batang lalaking kasama nito. "Hi po, Tito Ninong!" Bati nito sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok nito at kinurot ang malusog nitong pisngi. "Hey there, young man. Kamusta ka? Hindi ba pasaway ang mommy mo?" Tanong niya dito saka binuntunan niya ng tawa dahilan para mainis ang asawa ni Jam. Pikon.
"Hindi naman po. Good girl po si Mommy. Hindi po nagkaroon ng headache si Daddy," sagot nito na ikinatawa niya.
Inirapan naman siya ng babae saka hinila na nito ang anak palayo sa kaniya at baka kung ano pang sabihin. Maypagka madal-dal pa naman ang batang 'yon.
.
KINAGABIHAN naisipan ng magkakaibigan na muling magsama-sama. Madalang nalang silang nagkakasama dahil sa kaniya-kaniyang trabaho at pamilya nila.
"Bakit nga pala hindi sumama ang asawa't anak mo?" Tanong niya kay Jet.
Napangiti naman ito bago sumagot. "Nandun sila sa parents ng asawa ko. Schedule."
"We are happy for you, Man," saad ni Glonar na tinanguan ng kaibigan nila.
Masayang-masaya sila sa kaibigan nila dahil sa wakas ay naka move-on na ito sa nangyari sa buhay nito noon. Lahat naman sila actually, pero sa tingin nila'y si Jet at Brix ang may pinakamasakit na pinagdaanan.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Fiction généraleHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...