Chapter 44

232 7 0
                                    

Chapter 44

HINDI na mabilang ni Cris kung ilang beses na ba siyang napabuntong-hininga. Sinusubukan niyang suyuin si Marvelene pero talagang matigas ito at pakiramdam niya'y tuluyan na siyang pinagsarhan nito ng pinto. Pero hindi niya alam ang salitang sumuko kaya naman gagawin niya ang lahat para mabawi ito.

Natigilan siya nang biglang may bumato sa kaniya ng unan. Nasa pool area siya ngayon at nakaupo sa couch at nag-iisip pero bigla na lang 'yon sinira ng walang hiya niyang kaibigan.

"Hoy! Cris, balak mo ba talagang dito na manirahan sa bahay ko? Gusto mo ipahakot ko na ang gamit mo dito e," saad ni Jam at ramdam niya ang sarkastiko sa mga salita nito.

"Lubayan mo nga ako, Jam. Wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo," saad niya dito pero hindi naman ito umalis at umupo pa sa kaharap niyang upuan.

"May I just remind you that your company is still in a critical condition?" Saad nito, "H'wag mo ngang ipagkatiwala lahat sa sekretarya mo, baka sa huli niyan siya pala talaga ang may kasalanan kung bakit nagkaganun ang kompanya mo," dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga siya saka napailing. "Wala na akong pakialam dun... Basta't ang importante kasama ko ang asawa ko."

"So, hahayaan mo na lang na tuluyang bumagsak ang kompanya mo?"

"Kung kapalit naman nun ay ang makasama ko ulit si Marvelene... Ayos lang sa'kin. Nabuhay ako nung nakaraang taon na wala siya sa tabi pero pag nawala siya ulit sa'kin hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo pa ngayong nalaman ko ang nangyari sa kaniya noon. Gusto kong bugbogin ang sarili ko dahil hindi ko ginamit ang isip ko at inuna ang galit ko ni hindi ko manlang napansin na mga peke pala ang mga litrato at mga balitang 'yon na pinaniwalaan ko."

.

KAAGAD na umalis si Marvelene sa kinatatayuan niya at hindi na pinakinggan pa ang mga sasabihin ni Cris. Ayaw niya ng malinlang ulit at baka kung saan na naman siya dalhin nun.

Bumalik siya sa k'warto niya at kinuha ang bag na nasa ilalim ng kama saka ilinabas ang mga laman nun, kasama na ang mga chemical na pasimple niyang kinuha sa laboratoryo ni Jam.

Hindi pa bumabalik ang lahat ng ala-ala niya pero tandang-tanda niya na ang mga bagay na ginawa niya noon lalo na sa kompanya ni Cris.

Sisingilin ko kayong lahat... Kahit pa buhay ang maging kapalit. Wala na akong pakialam.

KINAGABIHAN ay inihanda na ni Marvelene ang mga gagamitin niya. Pasimple na ring sinuri ang bahay ni Jam. Sa mga p'wede niyang daanan na walang makakapansin sa kaniya at ang pinakamadaling madaanan ay ang maliit na bintana sa basement... Gubat ang bubungad sa kaniya pero hindi niya alintana 'yon. Basta't ang importante ay makalabas siya ng walang makakaalam

Ilinagay niya ang bag na dadalhin niya sa laundry basket, talagang binalot niya ng mga damit ang bag para masigurong hindi 'yon makikita.

Pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid para tignan kung may tao ba sa paligid at nang wala siyang makita ay mabilis siyang naglakad papunta sa basement pero hindi niya pa man nabubuksan ang pinto ng basement ay may tumawag sa kaniya.

"Ate Len-len?"

Natigilan siya at liningon si Lhian na nagtatakang nakatingin sa kaniya habang unti-unting lumalapit.

"Maglalaba ka?" Tanong nito at tinignan pa ang mga damit na dala niya. Iniwas niya na ito bago pa nito maisipang hawakan ang mga 'yon.

Nginitian niya ito saka ilinapag muna ang basket na dala at umupo para magpantay ang mukha nila.

Hinaplos niya ang buhok nito at tinitigan. "Oo, marami na akong labahin. Mahirap na kung mas dumami pa 'yon."

Napatango naman ito pero muling naguhit ang pagtataka sa mukha nito. "Pero anong gagawin mo sa basement? Doon ka maglalaba? May washing machine na ba dun?"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon