Salamat sa pagbabasa ng story ko😊 Happy Reading❤
Chapter 29
DAHIL sa nangyari ay hindi na hinayaan ni Cris na mag-isa si Marvelene kaya pati sa trabaho ay sinasama niya ito, pero tahimik pa rin ito at nagsasalita lang 'pag may tinatanong siya.
Humingi rin siya ng pabor kay Lexxian na sumama ito ngayong araw para hindi masyadong mabagot ang asawa niya.
Kasalukuyan siyang nakaharap ngayon sa computer niya para i-review ang CCTV sa kompanya niya kung may empleyado siyang may ginagawang kahina-hinala. Nasanay na siyang gawin 'yon araw-araw, mahirap na kasi. Baka hindi lang pala si Marvelene ang may galit sa kaniya, mabuti ng sigurado.
Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng mga files tungkol kay Marlene, dahil gusto niyang alamin kung tama ba ang binibintang sa kaniya ni Marvelene. Pero ang pinagtataka niya'y walang namang kahit na isang files si Marlene sa kompanya niya, ibig sabihin ay hindi ito nagtrabaho sa kaniya.
Wala naman siyang maalala na siya mismo ang pumatay sa ate ni Len-len, wala din siyang inutusan na gawin 'yon.
Bigla namang bumalik ang isang alala na binaon niya na sa limot.
Marlene Faustino...
Si Marlene ang Reporter Journalist na pilit na sumisira sa reputasyon niya noon. Pero ang pinagtaka niya noon ay bigla na lang itong naglaho sabay ng paglutang ng balita na patay na ito at sa kaniya ibinintang 'yon kaya gumawa siya ng paraan para mailiko niya ang issue...
Sino ba ang nasa likod noon ni Marlene?
Napatingin siya bigla kay Marvelene na ngayon ay kinakausap ni Lexxian.
NAPABUNTONG hininga si Marvelene habang nakatingin kay Lexxian na nagkukuwento tungkol sa gaano kahirap ang trabahong ginagawa nito. Tahimik lang siyang nakikinig dito at tumatango, pero wala talaga doon ang atensyon niya kun'di na sa Ate Marlene niya.
Pakiramdam niya may nangyaring kakaiba tungkol sa pagkamatay nito. Pasimple niyang inimbestigahan si Cris at ang kompanya nito pero wala naman siyang nahanap na ebidensya na mag-uugnay sa pagkamatay ng Ate niya... bigla siyang napatingin kay Lexxian nang maglabas ito ng baril at sinimulang tanggalin ang parte nito pagkatapos ay ibinigay sa kaniya.
"I-assemble mo... oorasan kita," saad nito at kinuha ang cellphone nito.
Huminga siya nang malalim bago kinuha ang bawat parte ng baril at sinimulan itong ayusin.
Nang matapos siya ay agad niyang itinutok 'yon kay Lexxian pero hindi manlang ito natinag.
"Ang bilis mo... pero hindi mo na-beat ang record ko," saad nito saka inagaw ang baril sa kaniya at may kinuha naman sa bag nito. Snake and Ladder.
Seriously?
"Okay! Ako muna ang titira!" Sabi nito habang hawak nito ang dice at inaalog.
Napabuntong hininga naman siya at pumayag na lang sa gusto nito para hindi siya masyadong mabagot.
NAPATINGIN bigla si Cris sa p'westo nila Lexxian at Marvelene nang marinig niyang panay ang reklamo ni Lexxian kaya naman linapitan niya ang mga ito para alamin kung ano bang nangyayari.
"Ang daya mo!" Reklamo ni Lexxian at napatingin sa kaniya, "Hoy! Kuya! 'Tong asawa mo kanina pa ako dinadaya!" Dagdag pa nito saka tinuro ang snake and ladder na linalaro nila.
"Paano mo naman nasabing dinadaya ka ng Len-len ko?" Tanong niya.
"Eh kasi naman! Sobrang lapit ko na sa finish line tapos napunta ako sa bunganga nitong lintik na ahas na 'to! Akala ko aatras lang para iwasan 'yon pero sabi niya kailangan kong bumalik sa buntot dahil natuklaw daw ako! It's so unfair!" Sumbong nito na parang bata, "Ayoko ng maglaro! Baka mabaril ko 'yang lintik na laruan na 'yan nang wala sa oras!"
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...