Halina't balikan muna natin ang past😉 Happy Reading❤❤❤
Chapter 17
***
MASAYANG pumasok sa malaking bahay ang isang batang lalaki habang dala ang isang papel. Agad siyang pumasok sa isang silid aklatan ng lalaking may-ari ng kabahayan... Nakita niya itong nakaupo sa magarang upuan at nagbabasa ng libro.
Nakangiti niya itong linapitan at ilinahad dito ang certificate na hawak niya. "Look, Dad! I won second place in a spelling contest!" Masaya niyang balita dito.
Natigilan ito at seryosong napatingin sa kaniya... Nagbaba naman siya ng tingin dahil hindi niya kayang labanan ang uri ng titig nito pero napatingin siya ulit dito nang bigla itong matawa.
"Second place? And you're already happy with that?" Seryosong saad nito. Kinuha nito ang certificate na hawak niya walang pag-aalinlangan itong pinunit.
Napaatras naman siya at hindi napigilan ang luha niya. "I tried to be the top one, Dad," dahilan niya.
Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at dinuro-duro sa ulo. "Don't give me that damn reason! Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, magagawa mong maging top one!" Tinulak siya nito, "H'wag na 'wag kang lalapit sa'kin hangga't hindi mo nagagawa ang gusto ko! Now get out!"
Humihikbi siyang napatango dito. "Yes, Dad..."
Pagkalabas niya ng library ay agad siyang sinalubong ng Mommy niya.
"Oh? Cris... Baby why are you crying?" Nag-alalang tanong nito habang pinupunsan ang luha sa mga mata niya.
"I still need to study hard, Mommy. So, Daddy will be proud of me," umiiyak niyang sabi dito.
Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. "He's already proud of you, anak... It's just hard for him to tell it to you," pagpapagaan nito sa loob niya, "Maraming iniisip ang Daddy mo, let's just understand him okay?"
Agad naman siyang tumango dito at sumunod sa Mommy niya nang maglakad ito papunta sa kusina...
Walang ginawa si Cris kun'di ang mag-aral nang mabuti para maging proud sa kaniya ang daddy niya pero kahit naka-top one na siya't lahat ay hindi pa rin nito magawang maging proud sa kaniya.
Pakiramdam niya ang lalim ng galit nito sa kaniya pero hindi niya naman alam kung bakit, dahil wala naman siyang maalala na nagawang kasalanan dito...
SECOND year highschool na siya at sobrang focus talaga siya sa pag-aaral dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusuko at nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magiging proud din sa kaniya ang Daddy niya.
Habang abala siya sa pag-aasikaso sa mga paper works niya ay bigla na lang siyang nakarinig ng sigawan, dali-dali siyang lumapit sa k'warto niya para puntahan ito.
Nakita niyang sinisigawan ng Daddy niya ang mommy niya kaya agad siyang lumapit dito pero hinawakan nito ang k'welyo niya at tinulak siya palayo.
"Bumalik ka sa k'warto mo! Mag aral ka dun at 'wag kang makialam dito!" Singhal nito sa kaniya.
"Crisostomo! 'wag mo namang pahirapan ang anak mo!" Pagtatanggol sa kaniya ng Mommy niya.
Pagak na natawa ang Daddy niya saka dinuro siya. "Hindi ko siya anak!" Nanggagalaiting sabi nito sa kaniya na tuluyang gumuho sa mundo niya. "Hinding-hindi ko magiging anak ang anak ng isang hayop!"
"Crisostomo!"
"Bakit?! Natatakot ka na malaman niya ang mga kabulastugang ginawa mo?!" Bumaling ito sa kaniya, "Natatakot ka na malaman nitong letseng anak mo na isa kang maruming babae?!"
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...