Chapter 21

276 6 0
                                    

Chapter 21

HABANG nag kakasiyahan ang magkakaibigan ay naisipan na muna ni Marvelene na lumabas para magpahangin at 'di nagtagal ay naramdaman niyang may tumabi sa kaniya at agad naman siyang nginitian nito nang lingunin niya ito.

"Ayos ka lang  ba?" Tanong ni Queennie, "Naiingayan ka ba sa loob?" Dagdag pa nito.

Naiilang siyang ngumiti at tumango. "Medyo... hindi lang ako sanay makisalamuha sa maraming tao," sagot niya.

Bigla naman itong natawa  na parang may naalala. "Ganyan din ako noon... hindi din ako sanay sa ingay nila, lalo na pag umaga! Ang sarap lang punuin ng pagkain ang mga bibig nila para hindi sila makapagsalita, daig pa kasi ang mga babae kung magdaldalan," pagkukwento nito at hindi niya naman mapigilang matawa, "Pero nang tumagal na, nasanay na rin ako."

Sandali silang natahimik bago siya huminga ng malalim at bumaling dito. "Hindi ka ba galit sa'kin sa pagsisinungaling ko sa'yo?"

"Ngayon alam ko na kung bakit gustong-gusto mong malaman kung sino ang may-ari ng CRS," pag-iiba nito, "Pero hindi ako galit sa'yo... kasi alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon ng walang sapat na dahilan. I've been there."

Mapait siyang napangiti at sumang-ayon dito.
"Don't stress yourself to much... nakakatanda 'yon. Alam kong pareho kayong nahihirapan sa sitwasyon niyo ngayon pero tignan mo lang ang paligid," saad nito saka tinuro ang dagat at ang magandang tanawin, "Nakakapagpagaan ng pakiramdam... nakakatulong din 'yan sa pag-iisip mo nang mabuti, you should try to forget your problems for a while and just enjoy.

Nakikita kong nag-aalinlangan ka na ilabas ang nararamdaman mo para kay Cris... wala naman sigurong mawawala kung sandali mong pakakawalan 'yang nararamdaman mo at wag mong kimkimin 'yan, nakakabaliw 'yon."

"Ayokong gumawa ng masayang ala-ala kasama siya... kailangan naming harapin ang reyalidad."

Napangiti naman ito. "Ituring mo na lang 'yon na isang napakagandang panaginip, kahit ganun lang at least sumaya ka..."

Dapat ko bang pairalin ang nararamdamn ko para sa lalaking 'yon?

NANG pumasok siya ulit ay nadatnan niyang kumakanta si Lexxian habang ang mga lalaki ay nakabusangot.

"Hoy Lex! Ilang ulit mo na bang kinanta 'yan?!" Naiinis na tanong ni Leonard dito pero hindi naman natinag si Lexxian, "Kala mo naman kagandahan ang boses. Tsk!"

"I don't know what to do
There is no easy way of letting go, but I know there's no sense
Of holding on too much to something fading
Help me get over you..."

"Hayaan niyo siya, may pinagdadaanan ang babaeng 'yan," sabi ni Cris saka tumingin sa kaniya at pinaupo siya sa tabi nito.

Marahas naman na napakamot ng buhok si Leonard. "Ayos lang sana kung isang beses niya pa lang na kakantahin 'yan, pero Man! Kanina pa! Paulit-ulit lang!" Saad nito saka tumayo at nakipag-agawan ng mic kay Lexxian.

"Ano ba?! Hindi pa ako tapos!" Reklamo ni Lexxian.

"Heh! Ni hindi mo na nga ma-pronounce ng maayos yung lyrics eh!" Bumaling ito sa lalaking bagong dating na ang pangalan ay Brix, "Man! Tulungan mo naman ako dito!" Pero hindi kumibo si Brix at nagpatuloy lang sa pag-inom.

"Tignan mo! Ni hindi niya nga ako pinagsabihan eh kaya manahimik ka diyan! Kaya akin na 'yang mic!" Sabi ni Lexxian at pilit na inaagaw yung mic kay Leonard pero hindi ito nagtagumpay na agawin 'yon dahil binigay ni Leonard yung mic kay Cris.

"Tama na 'yan, Lexy..." saway ni Randolf, "Lasing ka na."

Napabusangot naman si Lexxian at naiinis na umupo pagkatapos ay tumingin ito kay Cris at nang-aasar na ngumiti. "Kanta ka Cris! Kantahan mo si Len-len mo! Yiiieee!"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon