Chapter 42

216 5 0
                                    

Chapter 42

MARAHAS na napasuklay ng buhok si Cris habang nakatingin kay Marvelene na ngayon ay kasama ang nakatatandang kapatid ni Lhian na si Chrispin. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na hindi Marlene ang totoong pangalan nito. Kapag sabihin niya naman 'yon ay malamang magtataka ito at magtatanong. Naalala na nito ang highschool life daw nito, pero bilang si Marlene. Binilin naman ni Jam na hayaan na muna ito at least may naalala na ito kahit papaano.

"Parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa ah?"

Napatingin siya kay Lexxian na ngayon ay nakaupo malapit sa kaniya, sumunod din ang iba pa niyang mga kaibigan na sina Howen, Glonar, Leonard at Mille.

"Kahit kasama mo na siya, hindi mo pa rin maiwasang mamroblema," pang-aasar ni Howen.

Napabuntong-hininga na lang siya at sumang-ayon sa sinabi nito. "I still don't know where to start."

Napatingin siya kay Marvelene na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. Nginitian niya ito para hindi mahalatang namomroblema siya sa sitwasyon nila.

"Nakakahibang 'tong sitwasyon mo, Man!" Saad ni Glonar at wala na siyang ibang ginawa kun'di ang sumang-ayon sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya.

"So, anong plano mo sa asawa mo?" Tanong ni Lexxian.

"A-asawa?"

Lahat sila natigilan at napatingin kay Marvelene na ngayon ay nasa malapit na nila na hindi manlang niya namamalayan.

Fuck!

.

HINDI maiwasang mapasulyap ni Marvelene kay Cris na ngayon ay nakaupo di kalayuan sa kanila ni Pin.

"Ang ga-gwapo talaga ng mga kaibigan ni Kuya Jam, kaya hindi ako nagsisisi na pumunta dito pag may okasyon eh! Pagbumabalik ako sa siyudad may naipagmamayabang ako sa mga bakla!" Saad ni Pin na ikinatawa niya.

Hindi umaakto si Pin base sa totoong kasarian nito. Binabae ito kung kumilos, tanggap naman 'yon ng pamilya nito pero dapat hindi siya masyadong umaktong babae lalo na pagkaharap nito ang Ama.

Biglang tinuro nito si Cris. "Lalo na si Kuya Cris oh! Makalaglag panty ang kagwapuhan!"

Parang may sariling isip ang kamay niya dahil agad niyang binatukan si Pin dahil sa sinabi nito.

"Tumigil ka bakla, off limits 'yan!" Saway niya dito.

Sinapo nito ang ulo at napapantastikuhang napatingin sa kaniya. "Wow Ate Len-len, ang lakas nun ha! Parang matatanggal ang ulo ko!" Natigilan ito saka gulat na napatingin sa kaniya, "Omg! Gusto mo ba si Kuya Cr---" tinakpan niya ang bibig nito.

"H'wag ka ngang maingay diyan!" Saway niya, "Baka may makarinig sa'yo!"

"Asus! Obvious na obvious na nga eh! At mukhang pati si Kuya Cris ay gusto ka din, kakaiba ang tingin sa'yo eh!"

Awtomatiko naman siyang napatingin kay Cris na ngayon ay nakatingin sa kaniya saka siya nginitian.

"Ayyyyiiieeee! Si Ate Len-len, lumalablayp na!" Pang-aasar ni Pin habang sinusundot ang tagiliran niya.

"Tumigil ka nga!" Tumayo siya at papasok na sana sa loob nang bigla niyang narinig ang tanong ni Lexxian.

"So? Anong plano mo sa asawa mo?"

Napalingon siya sa magkakaibigan at mukhang malalim ang usapan ng mga ito at wala manlang nakapansin na malapit lang siya.

"A-asawa?"

Nakita niyang natigilan ang magkakaibigan at sabay-sabay na napatingin sa kaniya.

"M-may asawa ka?"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon