Chapter 8
ILANG araw ulit na hindi nagkita si Cris at Marlene dahil naging abala siya sa trabaho niya at nag-attend sa birthday party ng anak ni Randolf, gusto niya sanang isama si Marlene pero umaayaw ito.
Abala si Cris sa pag lilinis ng unit niya ngayon dahil sinabi ni Marlene nung huli silang magkita ay ngayong araw ito bibisita. Talagang hindi muna siya nagtrabaho ngayong araw para maging maaliwalas ang pakiramdam ng dalaga loob ng condo niya.
"This is so not you, Cristobal!" Singhal niya sa sarili niya habang nag va-vacuum ng sahig.
Pagkatapos ay pagkain naman ang inasikaso niya at sinigurado niyang walang kahit na anong kesong halo ang pagkain at baka magkapantal na naman ito. Mahirap na.
Napatigil siya sa ginagawa niya nang marinig niya ang sunod-sunod na pag tunog ng doorbell. Napangiti siya saka mabilis na naglakad papunta sa pinto para pagbuksan.
"Hi," nakangiti niyang bati dito nang mabuksan niya na ang pinto.
"Cristobal!" Masayang sabi nito.
Yayakapin niya sana ito nang bigla na lang itong pumasok at lagpasan siya. Agad naman siyang napabusangot dahil dun.
Nakabusangot niyang isinara ang pinto at pinuntahan ito habang ito naman ay masayang hinahawakan ang paso ng cactus at kinakausap pa ito.
"Wow! Ang laki mo na ah! Mukhang inaalagaan ka talaga ng daddy mo!" Masayang saad nito.
"Inuna mo pa 'yan kesa sa'kin!" Reklamo niya.
Natawa ito at naiiling na linapitan siya saka yinakap siya nang mahigpit. "Nagseselos ang Manong," panunukso nito.
Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito pagkatapos ay hinila ito papunta sa kusina.
"Ano 'yang niluluto mo? Baka yung specialty mo na naman ah?"
Agad naman siyang umiling. "No, talagang sinigurado ko na walang kahit na anong dairy products."
Nakita niyang napatango ito. "P'wede ko bang hiramin ang laptop mo? May assignment kasi kami eh, kailangan kong mag research at ico-copy ko na lang sa flashdrive," rinig niyang sabi nito habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Nandun sa ilalim ng center table, kunin mo na lang," sagot niya.
Walang imik itong naglakad palabas ng kusina habang siya naman ay tinatapos ang niluluto niya, pero bigla siyang napatigil ng maalala na maraming files dun na related sa kompanya niya na hindi p'wedeng makita ng dalaga.
"Shit!" Kumaripas siya ng takbo palabas ng kusina at pinuntahan ito sa living room.
Biglang bumilis ang kabog ng puso niya nang makitang nakatulala ito sa screen ng laptop niya at malamig ang ekspresyon sa mukha nito.
Napatingin ito sa gawi niya at kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito. Mula sa malamig ay naging masigla ulit ito.
Tinuro nito ang laptop niya. "May password," sabi nito.
Sa simpleng salita na 'yon ay sobra siyang nakahinga nang maluwag. Huminga muna siya ng malalim bago ito lapitan at kunin yung laptop.
"Yung isa na lang yung gamitin mo, ginagamit ko kasi 'to sa trabaho eh. I'll just go get it," sabi niya dito at pumunta sa k'warto niya para kunin ang isa niyang laptop na hindi niya na naman masyadong ginagamit.
"Here, ito na lang ang gamitin mo."
Nakita niyang may pagdududa ang mukha nito pero agad din namang nawala yun nang ngumiti ito at kinuha ang laptop sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficción GeneralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...