Chapter 11
"HOY! Ikaw! Sagutin mo nga ang tanong ko, since ikaw lang naman ang naiwan dito sa bahay... Saan nag punta sa Len-len?" Naiinis niyang sabi sa cactus na hawak niya. Marahas niyang ilinapag 'yon at napabuntong-hininga.
Tangna! Mababaliw na yata ako.
Simula nang may mangyari sa kanila ni Marlene ay hindi na ito muling nagpakita sa kaniya... Kung hindi sana espesyal sa kaniya ang dalaga ay inetsapwera niya na ito tulad ng mga nagiging babae niya, pero mukhang kinakarma yata siya dahil mararamdaman niya na ang mga nararamdaman ng mga babaeng iniwan niya pagkatapos niyang parausan.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch at nagtungo sa k'warto niya saka humiga sa kama niya.
Ilang beses siyang nagpabaling-baling sa kinhihigaan niya. Sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang mukha ni Marlene at bigla niya na lang naririg ang boses nito lalo na nang sinisigaw nito ang pangalan niya habang pinapaligaya niya ito.
Napabalikwas siya ng bangon at itinapon ang mga unan sa kung saan.
"Haisst! Nababaliw ka na talaga!" Singhal niya sa sarili niya saka kinuha ang susi ng kotse niya at lumabas ng unit niya para puntahan ang dalaga sa bahay nito.
Sa kakamadali niya at may nabunggo siyang babae na may katawag sa cellphone nito.
Nabitawan nito ang cellphone kaya agad niya namang kinuha 'yon at ibinalik dito.
"Sorry," hiningi niya ng tawad. Hindi ito umimik kaya agad niya itong tinalikuran.
"Yeah... I'm still here."
Napatigil siya sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang boses nung babaeng nabangga niya.
"I'll get over with it as soon as possible," rinig niyang saad nung babae.
Liningon niya ito at nakita niyang binuksan nito ang pinto ng katapat niyang unit na akala niya ay walang umuukupa.
Abala ito sa pakikipag-usap nito sa katawag, ni hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin hanggang sa pumasok na ito.
Ilang beses muna siyang huminga ng malalim bago magpatuloy sa paglalakad.
Malayo ang itsura nito sa itsura ni Marlene. Inisip niya na lang na sobrang nami-miss niya lang si Marlene kaya naririnig niya ang boses nito sa iba.
NANG makarating siya sa bahay nila Marlene ay wala siyang nadatnan doon, kahit si Lola Lucrecia ay wala rin. Sinabi ng kapit-bahay nila na nagbakasyon daw ang mag-lola.
Naisipan niyang puntahan lang muna ang kaibigan niyang si Mille. At dahil wala siyang magawa, pagtritripan niya lang muna ito.
Pagkarating niya doon ay agad naman siyang pinapasok since madalas naman siyang pumunta dito.
Nadatnan niya naman ang kaibigan na nakikidebate na naman sa sekretarya nito.
As usual, ano pa bang bago?
"Hindi nga ganyan! Ba't ba ang hirap mong turuan?!" Naniinis na sabi ni Mille sa secretary nitong si Rosario.
"Ayoko naman talagang matuto niyan! Pinipilit mo lang ako para may kalaro ka!" Naiinis ding sabi ni Rosario saka ibinato ang game controller saka magwa-walkout sana pero nakaharang siya sa daanan.
Gulat itong napatingin sa kaniya at di kalaunan ay patakbo itong lumapit sa kaniya para yakapin siya.
"Cris! Kamusta ka na?" Natutuwa nitong sabi nang humiwalay ito sa yakap.
Napangiti naman siya at ginulo ang buhok nito. "Ayos lang naman," nakangiti niyang sagot dito at tumingin naman sa kaibigan niyang si Mille na nakatingin din sa kaniya nang matalim.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...