Chapter 3
KAKAPARADA lang ni Cris sa sasakyan niya sa J&D Café at sakto namang mag-ring ang cellphone niya.
"Oh? Mille? What's up?" Bungad niya sa kaibigan.
"Hey, Man. Idi-discharge na si Queennie mamaya at gustong magpainom ni Randolf dahil sa sobrang saya," saad nito.
Napailing naman siya at binuksan na ang pinto ng kotse para makapasok na sa Café.
Sino ba naman ang hindi magiging masaya dun? Kung ako rin lang eh talagang magpa-party ako!
"May pagkakuripot ang lokong 'yon! Syempre hindi dapat natin palagpasin 'yon!" Natatawang sabi niya dito.
Natawa na rin ang kaibigan dahil sa sinabi niya. "Anyways, what about Lexxian?" Pag iiba niya.
"She still needs to stay in the hospital for a couple of days, medyo malala ang nangyari sa kaniya at kahit sabihin niya pang okay na siya hindi makakapagsinungaling ang katawan niya," sagot nito.
Napabuntong hininga naman siya at tuluyan ng pumasok sa Cafe. "Ang babaeng 'yon talaga! Bakit ba kasi hindi siya nag iingat? Tsk! Kung hindi siya kaagad nadala sa Hospital at nagamot, baka kung ano ng nangyari dun," nag aalala niyang sabi dito.
Natawa ulit ito. "I'll cut this conversation now, baka umiyak ka pa diyan eh," pang-aasar nito.
Napabusangot naman siya. "Gago!" Agad niyang pinatay ang tawag at pumunta na sa table niya.
Agad namang nakaagaw sa atensyon niya ang maliit na cactus na nasa gitna ng lamesa, nakita niya ring may papel na nakaipit dito kaya agad niyang kinuha 'yon at binasa.
'Cactus for you Mr. Cristobal, hindi na lang laptop at mga documents ang laging kasama mo. Bukod saakín, may iba ka ng living thing na kasama! Alagaan mo 'yan ha? Habang wala ako...' - MF
Napailing naman siya at hindi niya namalayang nakangiti na pala siya habang binabasa ang sulat ng dalaga, kinuha niya ang maliit na cactus at tinitigan. Parang may kakaibang siyang naramdaman habang tinititigan ang halaman.
Hay! Ang batang 'yon talaga!
KAGAYA ng nakasanayan. Dun sa cafe nagpalipas ng oras si Cris, tiningnan niya ang mga reports ng iba't ibang department na senend sa kaniya ng secretary niya. Pagkatapos ay isa-isa niya namang tinignan ang mga CCTV sa CRS... Hanggang ngayon at babakasakali pa rin siya na mahanap ang salaring 'yon.
Napatingin siya sa pinto ng cafe nang marinig niyang bumukas ang pinto, pero agad niya din namang ibinalik sa monitor ang atensyon niya.
Sa ilang oras niyang pananatili sa cafe, umaasa siya na pag marinig niya ang pagbukas ng pinto si Marlene na ang papasok. Hindi niya rin alam kung bakit niya ba hinihintay ang dalaga.
Saan ba kasi nagpunta ang batang 'yon?
NANG hindi niya na makayanan ang pagka-bored. Pumunta na siya sa bahay ng kaibigan niyang si Randolf at nadatnan niya naman ang ibang mga kaibigan niya dun.
"Oh? Nasan yung nagpapainom? Bakit kayo-kayo lang?" Bungad niya dito.
"Gago! Kalalabas lang ng asawa niya sa hospital at sabi niya magpapainom lang siya satin, hindi siya iinom," sagot ni Mille.
Hindi na lang siya umimik at tumabi na lang kay Morille na tahimik na umiinom. Mukhang matatanggal ang pagka-bored niya ngayon.
"So? Kamusta?" Tanong niya habang nakatingin kay Morille, pero tulala lang ito at mukhang wala siyang balak pansinin.
"Kami ba ang tinatanong mo? O si Morille lang?" Tanong naman ni Howen.
Dun na naagaw ang atensyon ni Morille dahil napatingin na ito sa kaniya. "May sinasabi ka?" Tanong nito na mukhang ngayon lang natauhan.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...