Chapter 13

297 10 0
                                    

Chapter 13

...

SA mga nakaraang araw ay halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Sinusundo lagi ni Cris ang dalaga sa eskwelahan nito, pero ipinabor nito na mag hintay siya, isang kanto ang layo mula sa eskwelahan.

Naiintindihan niya naman ito dahil hindi naman lahat ng tao maiintindihan ang sitwasyon nila. Patuloy pa rin siya sa panliligaw dito at sa ngayon ay alam niya na ang dapat ibigay at hindi dapat ibigay dito. Salamat kay Lola Lucrecia...



TINATAMAD na pumasok si Marlene sa klase niya kaya naisipan niya munang tumambay sa gym para magpalipas ng oras. Nadatnan niyang nagpa-pragtice ang volleyball team kaya agad siyang nawalan ng gana at aalis na lang sana pero bigla na lang may tumamang sa ulo niya.

"Opps! Sorry!" Rinig niyang sabi ng malanding captain na si Jennelyn. Na kasa-kasama niya rin noon sa pagpunta sa CRS. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong nag bago pero wala naman siyang paki-alam dun, hindi naman siya ang tipo ng tao na mahilig sumuyo. Pareho lang din naman silang naggamitan para makapasok dun.

"Ipasa mo!" Utos nito habang nakatingin sa bolang tumama sa kaniya.

Napangiti siya sa isip niya.

I miss playing soccer.

Ipinatong niya ang paa niya sa bola at walang emosyon sa mukha niya saka malakas itong sinipa.

Sa malakas niyang pagtira ay agad na napaiwas ang mga ka-team nito pero hindi ito nakailag at tumama ang bola sa mukha ni Jennelyn.

"Opps! Sorry!" Saad niya at tuluyan nang umalis at naisipang sa rooftop na lang tumambay pero ilang minuto pa lamang siyang nakatambay sa rooftop nang makita niya ang grupo ng mga lalaki na palapit sa p'westo niya. Kasama na dun si Jeric, ang pilit na nanliligaw sa kaniya noon.

Paalis na sana siya nang harangin siya ng mga ito. "Oh? Saan ka pupunta?" Harang sa kaniya ni Jeric.

Walang emosyon niya itong tinignan at aalis na lang sana pero makulit ito at muli siyang hinarang.

"Padaanin mo 'ko," seryosong sabi niya dito.

Natawa naman ito pati ang mga kasama nito at hinaplos ang pisngi niya. "Wait lang... hindi pa nga tayo nakakapag-usap ng maayos eh," pilyo nitong sabi habang unti-unting bumababa ang kamay nito sa leeg at balikat niya.

Huminga siya nang malalim at dali-daling pinilipit ang kamay nito. Tinuhod ang sikmura nito at malakas na sinuntok sa panga.

Napaatras naman ang mga kasamahan nito at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Kinuha niya ang ballpen na nasa bulsa niya at itinutok ito sa mga kasamahan ni Jeric.

"I think I can kill you with this," saad niya at susugurin na sana ito pero nag-unahan na itong tumakbo at iniwan si Jeric.

Tinignan niya muna ito bago malakas na sinipa ang sikmura nito saka iniwan na ito.

Dinala siya ng mga paa niya sa clinic ni Doc Queennie at doon lang muna matulog.

Dahan-dahan niyang binuksan ang sliding door ng clinic at dahan-dahang naglakad papasok pero napaigtad siya nang bigla siyang harangin ng Dra.

"Oh? Ms. Faustino," nakangiting sabi nito.

Tumayo naman siya nang tuwid at binati ito. "Good afternoon, Doc."

Tumango naman ito at napatingin sa kaniya. "What are you doing here? Class ours pa ah?" Tanong nito.

"Wala pa kaming klase."

Napangiti naman ito. "Should I call your classmate? Dexter?"

Mukhang kailangan niyang umamin dito. "Fine, meron kaming klase but I'm bored... gusto ko munang matulog," sagot niya.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon