Chapter 26

237 7 0
                                    


Another long Chapter hehe😅 Happy Reading ❤❤❤

Chapter 26

"HINDI ganyan!" Natatawa niyang saway kay Cris dahil hindi nito nakukuha ang instruction na sinasabi niya sa pagtatanim, "Daig ka pa ng mga bata oh!" Pang-aasar niya saka tinuro ang mga batang nag-aasikaso ng mga tanim.

"Ayoko na! Nakakainis naman 'yan!" Sabi nito pagkatapos ay naiinis na lumabas ng Garden.

Sinundan niya naman ito at hinawakan ang kamay nito. "Masyado ka namang pikon... Binibiro lang naman kita," saad niya.

Humarap ito sa kaniya. "Pasensya na kung wala akong ni katiting na ideya tungkol sa pagtatanim o ano pa man." Ramdam niya ang sarkasmo sa boses nito.

Napabuntong-hininga naman siya saka pinalibot ang braso niya sa braso nito. "For a beginner, You are actually doing a great job... Binibiro lang naman talaga kita."

Nanatali paring seryoso ang mukha nito at iniiwasan ang tingin niya. Hinila niya ito sa kung saan.

"Saan na naman tayo pupunta?" Naiinis nitong tanong sa kaniya.

"Ipapasyal kita dito..." Sagot niya habang tinatahak na nila ang daan papunta sa gubat.

Napahinto ito sa paglalakad at dahil nakahawak siya sa braso nito ay napahinto rin siya.

"Are you sure about this? Baka mawala tayo," nag-aalangan nitong sabi pero nginitian niya lang ito.

"Don't worry, ilang beses na akong pumunta dito kaya memoryang-memorya ko na ang daan," pag papagaan niya sa loob nito.

Napatango naman ito pagkatapos ay nagpatianod na lang sa paghila niya.

TAHIMIK lang na sumusunod si Cris kay Marvelene habang hinihila siya nito patungo sa kung saan, pero napatigil siya nang may marinig na malakas na paglagas-las ng tubig.

Habang papalapit sila nang palapit ay palakas din nang palakas ang tunog ng tubig hanggang sa makarating sila doon at bumungad sa kaniya ang napakagandang tanawin... Napatulala na lang siya sa ganda ng falls na nasa harap niya.

"Welcome to Minarog Falls!" Masayang sabi ni Marvelene habang nakadipa pa ang mga kamay, "Pinangalan ang falls na 'to sa Baryo kaya 'wag ka ng nagtaka kung bakit ganito ang pangalan," dagdag pa nito pagkatapos ay natawa.

Natulos siya sa kinatatayuan niya nang magsimulang maghubad ang dalaga sa harap niya mismo at tanging pang-ilalim lang ang itinira nito.

Fuck!

Nanlaki ang mga mata niya nang pumunta si Marvelene sa may kataasang bato at halos mawalan siya ng hininga nang tumalon papunta sa tubig.

"Len-len!" Tawag niya dito nang hindi pa rin ito umaahon, pero nakahinga naman siya nang maluwag ng umangat ito at agad siyang nginitian.

Dali-dali niya ring hinubad ang damit niya at tanging boxer lang ang itinira pagkatapos ay agad na tumalon sa tubig.

Nang umahon siya ay agad niyang linapitan si Marvelene at pinitik ang noo nito.

"What was that for?" Reklamo nito.

"Sinabi ko sa'yong 'wag kang basta-basta tatalon sa matataas! And you promised me that you won't do it again!" Sermon niya dito pagkatapos ay hinapit ang katawan nito sa kaniya.

"I can't help it... Ang astig lang pagtumatalon ako sa matataas," dahilan nito.

Pagak siyang natawa. "Ano ka pusa?!" Puno ng sarkasmong tanong niya, "Aatakihin ako ng dahil sayo eh!"

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon