Flashback lang po itong lahat. Enjoy😉❤ sorry typos😅 Happy Reading💖Chapter 30
***
NAPAPIKIT si Marvelene nang dumampi ang sariwang hangin sa balat niya. Napakasarap nun sa pakiramdam lalo pa't napapalibutan siya nang naparaming bulaklak na iba't-iba ang kulay. Kumuha siya ng isang pulang rosas at inamoy ito.
Nagtaka siya na hindi manlang nangati ang ilong niya at hindi siya nabahing. Tila nawala ang allergy niya sa bulaklak.
Biglang naagaw ang atensyon niya isang matipunong lalaki na naglalakad palapit sa kaniya... pero bago niya pa man makita ang mukha nito'y bigla siyang nasilaw sa liwanag na biglang sumulpot sa kung saan.
Nang imulat niya ang mga mata niya'y muling umilaw ang liwanag na 'yon kaya napapikit ulit siya kasabay nun ang pagkarinig niya sa hagikgik ng Ate Marlene niya.
Pagkamulat niya ulit ay agad niyang tinignan ang paligid at awtomatikong nadismaya nang makitang nasa k'warto siya at napagtantong panaginip lang pala ang lahat.
Haist! 'Yon na yun eh!
Napatingin siya sa Ate niya na nagmamadaling umalis ng k'warto niya habang natatawang nakatingin sa camera nitong dala na sa malamang ay kinunan na naman siya ng litrato habang natutulog.
Huming siya nang malalin at mariing napapikit.
"Ateeeeee!!!"
Dali-dali siyang bumaba sa kama niya at hinabol ang ate niya pero hindi niya na ito naabutan nang pumasok ito sa k'warto nito at nag-lock ng pinto.
"Ate Marlene! Buksan mo 'to!" Tawag niya dito habang malakas na kumakatok sa pinto, "Ate! Isusumbong kita kay Tatay!" Pananakot niya dito pero narinig niya lang ang malakas na pagtawa nito.
Ilang minuto siyang nagbantay sa labas ng k'warto nito bago ito tuluyang nagbukas ng pinto. Nakangisi ito habang may itinatago sa likod nito.
Ilinabas na nito ang itinatago sa likod nito at pinakita sa kaniya. "Tsaraaannn!" Pang-aasar nito saka napahagalpak nang tawa.
Napabuntong-hininga siya nang makita ang hawak nitong malaking litrato niya na inaantok pa ang mukha. Talagang nai-print nito kaagad ang litrato. Kung titignan talagang nakakatawa ang mukha niya dun pero hindi niya magawang matawa dahil siya 'yon! Baka kung sa iba pa'y siguro tawang-tawa na siya.
Inirapan niya ito saka nag-walkout pero hinabol siya nito at inakbayan kaya sabay silang naglakad papunta sa kusina kung nasaan ang Tatay nilang abala sa paghahanda ng almusal.
Naunang lumapit si Marlene dito at ipinakita ang litrato niya.
"Sige, Tay! Tumawa ka! Hindi kita mamasahiin mamaya!" Banta niya dito pero hindi ito nakapagpigil.
Napabusangot siya at matalim itong tinignan. "Tatay naman eh!"
"Pasensya na anak," natatawang sabi nito, "Talaga namang magaling kumuha ng litrato ang Ate mo."
"Bahala nga kayo diyan!" Pagmamaktol niya at nauna ng kumain.
Laging ganun ang ginagawa ng Ate niya sa tuwing hindi siya kaagad bumabangon at nasisiguro niyang halos may isang malaking photo album na itong koleksyon ng mga litarato niyang ganun ang itsura niya.
Naupo na rin ang Ate at Tatay niya para sabayan siya. Tumabi sa kaniya si Marlene at kinurot ang pisngi niya.
"Nagtatampo na naman si bunsoy!" Pang-aasar nito.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Narrativa generaleHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...