Chapter 33
NABUKSAN niya ang pinto nang walang kahirap-hirap, pero pagkapasok niya'y agad na umalingaw-ngaw ang tunog ng TV dahil sa malakas na volume nito.
Nakatalikod si Cris sa sa kaniya habang nakatulala ito sa TV, pero mukhang wala naman doon ang atensyon nito.
Nagulat siya nang bigla itong tumayo, napatingin ito sa kaniya pero agad ding nag-iwas at hinilot ang sentido nito.
"Fucking hallucinations!" Galit na saad nito saka ito pumasok sa kusina.
He thinks that he's hallucinating...
Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay linapitan ang remote ng TV saka ito pinatay. Napatingin naman siya sa entranda ng kusina nang makitang lumabas doon si Cris ay may bitbit na alak, nakatulala ito ngayon sa kaniya at parang ayaw nitong kumurap dahil baka bigla siyang mawala.
"Cristobal..." Tawag niya dito at hindi na napigilang umiyak.
I miss him so much!
Bigla nabitawan nito ang bote ng alak na dala, nabasag 'yon dahilan para maglikha ito ng ingay at bigla na lang itong napasabunot sa sarili na ipinag-alala niya.
"Bullshit! I'm going insane!" Daing nito. Lalapitan niya na sana ito nang bigla siyang pigilan nito. "No! Please don't! I know I'm just fucking hallucinating and I'm just fucking seeing things!" Pigil nito sa kaniya.
Unti-unti siyang naglakad papalapit dito habang umiiling. "No... You're not hallucinating, Cristobal. I'm real. It's me, your Len-len."
Tila natauhan ito at muling napatitig sa kaniya na parang sinisigurong totoo ang sinasabi niya. Pagkatapos ay halos inisang hakbang nito ang paglapit sa kaniya at agad na sinapo ang mukha niya na parang hindi makapaniwala.
"You're here right? Tell me I'm not dreaming, please!" Pagsusumamo nito at yinakap siya nang mahigpit na parang takot na takot ito na mawala siya.
"I'm here, Cristobal... And you're not dreaming."
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kaniya at hinagod ng tingin ang kabuuan niya.
"But why are you in uniform again? You're Marlene again," nagtatakang tanong nito pero hindi na siya hinayaang makasagot dahil bigla na lang siyang siniil nito ng halik. "It doesn't matter, you're still my Len-len," sabi nito sa gitna ng halik.
.
NAKAHIGA sila ngayon sa mahabang sofa at pilit na pinagkakasya ang mga katawan nila. Titig na titig pa rin sa kaniya si Cris na parang hindi pa rin makapaniwala.
Napapikit siya nang lumapat ang daliri nito sa pisngi. "I have so many questions, Marvelene... Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko na wala pa ring kasagutan hanggang ngayon."
Napamulat siya at sinalubong ang titig nito. "Ask away... I'll answer it honestly." Napabuntong-hininga ito at mukhang nag-aalangan, "Don't hesitate to ask, it's okay."
"Bakit ka nagpanggap na studyante? Bakit sa katauhan ni Marlene ka nagtatago?"
Huminga muna siya nang malalim bago ito sagutin. "Bata pa lang kami mahilig ko na siyang gayahin, kaya naging madali sa'kin na mabuhay bilang ibang tao, at pagnakabihis ako ng ganito... Pakiramdam ko kasama ko siya, sakto rin na ang binigay na lugar sa'kin ni Mr. Zheta para mag-imbistiga ay eskwelahan... Sa Francisco University. Ginamit ko rin ang Marlene na katauhan para linlangin ang mga katrabaho ko sa CRS."
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Fiction généraleHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...