Chapter 37
1 year later...
KADARATING lang ni Cris galing Australia pero hindi niya na naisipang magpahinga. Pupuntahan niya sa Hospital si Queennie dahil nabalitaan niyang nanganak na ito.
Isang taon na ang lumipas. Hindi siya nagtagumpay na makuha ang babaeng mahal niya... Nabalitaan niya na lang na ikinasal ito pero alam niyang illegal ang kasal na 'yon dahil kasal pa rin sila ni Marvelene.
Nahanap niya ang kinaruruunan nito noon, sa lumang Mansyon ni Crisostomo sa gitna ng gubat... Pero nahuli na siya ng dating dahil wala ng tao doon at nabalitaan niya na talagang sumama na ito kay Crisostomo.
He was so devastated. Ayaw niyang pagdudahan ang pagmamahal sa kaniya ni Marvelene pero minsan hindi niya mapigilan. Ni hindi manlang ito nagparamdam sa kaniya kahit sulat manlang.
Kaya naisip niyang tanggapin na lang ang alok ng Lolo at Lola niya. Inalok siya ng mga ito na doon lang muna siya manirahan sa Australia para makilala nila ang isa't-isa. Matanda na ang mga ito kaya naman naisip niyang bigyan ang mga ito ng pagkakataon at ang sarili niya. Naging masaya naman siya pero pakiramdam niya'y may kulang pa rin. At hindi niya maitatanggi na si Marvelene ang makakapuna nun, pero mukhang imposible ng mangyari 'yon.
Pinagkatiwala niya lang muna kay Eugene ang kompanya niya dahil gusto niya munang magpahinga sa stress at hindi naman siya binibigo nito...
Napabuntong-hininga siya bago iparada ang sasakyan pagkatapos ay agad siyang pumasok sa Hospital. Sinalubong naman siya ni Lexxian at kaagad na yinakap.
"Wow! Ikaw ba 'yan?!" Tanong nito nang humiwalay ito sa kaniya at hinawakan ang braso niya, "Mas lalo kang gumwapo ah!" Natawa silang dalawa at hinila na siya para pumunta sa k'wartong inuukupa ni Queennie.
Pagkapasok nila sa k'warto ay agad siyang dinumog ng mga siraulo niyang kaibigan at hinanapan pa siya ng pasalubong.
Isa-isa niya itong tinignan at napansin niyang may kulang sa kanila. Mukhang napansin ng mga ito kaya agad na nag-explain si Leonard.
"Si Glonar, nagbabakasyon pa rin at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang loko..." Pahayag nito, "Si Brix naman, mamaya pa dahil nandito pa si Lexxian. Baka magkagulo lang saka si Jam, mamaya rin. May duty pa siya ngayon."
Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin tapos ang tensyon kina Lexxian at Brix.
"Si Jet naman... Wala pa rin kaming balita sa kaniya," singit ni Kristoff.
Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti pagkatapos ay bumaling kay Randolf at Queennie.
"Congrats, Man... Nakadalawa ka na," bati niya dito.
"Napapag-iwanan ka, kaya bilis-bilisan mo na," hirit nito na ikinatawa nila.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa dalawa... Kung bumalik lang sana sa kaniya si Marvelene baka may anak na rin sila at masaya silang pamilya.
Mapait siyang napangiti sa isiping 'yon dahil pakiramdam niya'y impossible ng mangyari 'yon.
"Hoy Cristobal! Ang lalim na naman ng iniisip mo!" Biglang sabi ni Lexxian, "Iniisip mo na naman siya 'no? Akala ko ba naka-move on kana?" Pangiinis pa nito.
"Shut up," seryosong sabi niya dito.
"Talaga bang sumuko ka na sa kaniya?" Tanong ni Howen.
Pagak siyang natawa. Gusto niya ding tanungin si Howen ng ganun pero mas mabuti pang 'wag na lang.
"Masaya na siya kung nasaan man siya ngayon... At kung totong mahal niya ako, sa'kin siya sasama," walang emosyong saad niya na ikinatahimik nila.
May karapatan naman siguro siyang magalit? Halos mabaliw na siya sa kakahanap sa dalaga pero tila ba pinagkakaitan siya ng pagkakataon na mahanap ito... Di niya maiwasang maisip na wala manlang itong ginawa para magkasama sila.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Ficción GeneralHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...