Chapter 47

282 8 0
                                    

Chapter 47

HUMINGA nang malalim si Marvelene habang nakaharap sa salamin at nakatitig sa replika niya. Kung buhay siguro ang Ate niya'y matutuwa ito dahil gayang-gaya niya ang itsura nito. Mula sa ulo hanggang paa'y parehong-pareho sila ng Ate niya.

"Len? You okay?" Biglang tanong ni Cris sa earpiece na suot niya.

Ngumiti siya kahit hindi nito nakikita. "Yeah. I'm good."

"Are you sure about this?-- I mean, I know you can do this but I'm fucking worried!"

Napailing na lang siya sa inakto ng asawa niya. "Calm down, Cristobal... Your wife is gonna be fine," pagpapakalma niya dito.

"Please be careful, I'll be insane if something bad happens to you," pahayag nito.

"Mag-iingat ka rin, Cristobal... You're all I have now."

"Okay lovebirds! Tama na 'yan at tapusin na natin 'to! By the way it's Howen the g'wapo," singit ng kaibilang linya.

"Fuck you, Wen! Ang bitter mo talaga!" Reklamo ni Cris.

"Shut up you two! Kung magmumurahan lang kayo, please bear in mind that someone is listening!" Sabat naman ng isa pa, "It's Glonar by the way."

"It's Jet... I'm already in, so start moving."

"What the fuck, Jet?! Ang bilis mo naman!" Saad ng babaeng boses sa kabilang linya na walang iba kun'di si Lexxian.

"Just start moving your ass off and stop talking nonsense!" Saad ni Jet.

Mabuti na lang at unti-unti niya ng nakikila ang boses ng mga kaibigan ni Cris. Kung hindi baka wala siyang kaide-ideya kung sino ba ang nagsasalita.

"I'm going out," saad niya at inayos muna ang salamin na suot at I.D niya na ginawa ni Jet bago tuluyang lumabas ng banyo.

Walang halos pumapansin sa kaniya at tinuring lang siya ordinaryong empleyado. Mukhang nawala na rin sa isip ng mga ito ang nangyari noon sa Ate niya.

Sumakay siya ng Elevator at pinindot ang top floor kung nasaan ang Opisina ni Crisostomo.

Pero bigla siyang natigilan nang biglang bumukas ang Elevator...

.
.
.

NAPAKUYOM ang kamao ni Cris dahil sa kabang nararamdaman lalo na nang magsalita si Jet na siyang nakakakita kung nasaan si Marvelene.

"Just keep your head down, don't let them see your face," saad ni Jet.

"What's happening?" Tanong niya.

"Crisostomo, Eugene, a woman and four body guards ang kasama ngayon ni Marvelene sa elevator," sagot nito.

Please be safe my Len-len...

Huminga siya nang malalim at muling humarap sa monitor ng CCTV para bantayan si Brix at Leonard na ngayon ay naghahalungkat ng mga files at the same time nagtatanim ng bomba na gawa ni Marvelene at Brix sa Mansyon na pag-aari ni Crisostomo.

"Nard, On your left," saad niya dito.

Agad namang nag-abang si Leonard at walang kahirap-hirap na pinilipit ang leeg ng bodyguard ni Crisostomo.

Nahati ang grupo sa dalawa. Sila ay nasa Mansyon ni Crisostomo habang sila Len-len naman ay nasa kompanya ni Crisostomo.

Pinagplanuhan talaga nila ito ng mabuti at sinigurong magiging maayos ang kalalabasan ng plano nila.

"Fuck!" Biglang mura ni Lexxian na nagpatigil sa kanila lalo na kay Brix.

"Lex? What happened?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Brix.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon