Chapter 49
NAALIPUNGATAN si Cris dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha niya. Napamulat siya at napatitig sa unan si Marvelene.
Len-len...
Kinuha niya ito at itinakip sa mukha niya, para na rin amoyin doon ang asawa niya. Napabuntong-hininga siya saka itinalukbong ang kumot sa buong katawan at babalik sana sa pagtulog ng biglang may dumagan sa kaniya at inalis ang pagkakabalot niya sa kumot.
"Good morning!" Bati sa kaniya ni Marvelene nang may ngiti sa labi.
Umupo ito sa tiyan niya at pinugpog ng halik ang mukha niya. Hindi niya maiwasang mapangiti saka yinakap ang braso sa katawan nito dahilan para impit itong napatili at nasubsob ang mukha sa leeg niya.
"Good morning, my Len-len," bati niya rin dito.
"Bumangon ka na, mag breakfast na tayo," aya nito.
Pinagpalit niya ang p'westo nila. "How about breakfast in bed?" Suhestyon niya saka ito nginisihan.
Ngumisi din siya nito, and knowing her wife. Hindi ito nagpapatalo. Buong lakas siyang tinulak nito at ibinalik ang p'westo nila kanina. Nakaupo ulit ito sa tiyan niya.
"How about I bring the foods here? Breakfast in bed right?" Saad nito.
"Okay," pagsuko niya pero muli niya itong ngitian. "And let's make it messy," hirit niya na ikibusangot nito.
Pabiro nitong tinampal ang dibdib niya "Adik ka!"
Sinapo niya ang mukha nito at siniil ng halik. "Yes. I can get enough of you. I'm addicted to you," saad niya.
Umiling ito na agad niyang ikinasimangot. She never said no. Nanatili siyang nakabusangot habang nakatingin sa asawa na tumatawa.
"Okay! Fine. But maybe later," pagpayag nito na ikinatuwa niya.
"I can't wait until later," bulong niya dito habang sinisimulang paglakbayin ang labi niya sa leeg nito pababa sa balikat at dibdib nito pero bigla itong umalis sa pagkakaupo sa tiyan niya at hinila siya patayo.
"I said later. Tikman mo muna yung linuto ko, pinaghirapan ko 'yon!"
Napangiti naman siya at nagpaubaya na lang dito. Talagang ginugogol nito ang sarili sa pag aaral sa pagluluto. At siya lagi ang hurado nito na minsan ay nagiging dahilan ng pagpabalik-balik niya sa banyo. Pero habang tumatagal ay unti-unti ng nag improve ang cooking skills nito.
Mag dadalawang buwan simula na nang mailabas niya ang asawa niya sa lugar kung saan hindi ito nababagay. Kinausap niya ang mga kamag-anak ng mga taong nadamay noon sa pagpapasabog ni Marvelene sa kompanya, hindi na tumistigo ang mga ito para pabigatin ang kaso ng asawa niya, subalit napatawad na ng mga ito si Marvelene. Nadala lang ito sa galit at napuno ng poot ang puso nito kaya nito nagawa ang mga bagay na 'yon. Sa tulong na rin ng mga kaibigan niya'y tuluyang nakalabas si Marvelene. Si Cheska naman ay muling naglaho na parang bula. Habang si Crisostomo at Eugene naman ay inilipat na sa mas mahigpit na kulungan, dahil na rin sa tulong ng Lolo't lola niya.
Linagyan ni Marvelene ng pagkain ang plato niya pagkatapos ay pinagtimpla siya ng kape. Alagang-alaga siya nito at pakiramdam niya'y hindi na siya mabubuhay kapag nawala ito sa piling niya.
"Yan! Tikman mo na dali!" excited na sabi nito.
Kaagad niya naman itong sinunod. Talaga ngang nag-improve na ang cooking skill nito.
"It's good," komento niya at sunod-sunod na sumubo.
"Talaga? Hindi mo sinasabing masarap dahil mahal mo ako?" Saad nito na ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...