Chapter 23

269 9 0
                                    

Happy Reading❤


Chapter 23

NGAYONG araw na ang alis ng mga kaibigan ni Cris kaya naman abala si Marvelene sa pagtulong na ligpitin ang mga gamit nila Queennie.

"Salamat..." nakangiting sabi sa kaniya ni Queennie.

Napangiti naman siya at tumango dito. "Wala 'yon."

Napabuntong-hininga naman ito at tinitigan siya. "Sa totoo lang, nagtataka pa rin ako sa mga nangyari sa inyo ni Cris..." saad nito.

"Don't worry, sasabihin ko sa'yo paghanda na ako," pahayag niya.

Napangiti naman ito at lumapit sa kaniya saka hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Bisitahin mo na lang sa clinic and please tell it to me as Marvelene..."

Tinanguan niya naman ito bilang tugon. Natigilan siya bigla nang suklayin nito ang buhok niya. "Kung meron lang akong nakababatang kapatid, gusto ko katulad mo at ni Lexxian..." biglang sabi nito, "Maganda at matatapang," dagdag pa nito.

Sabay silang napatingin sa pinto nang pumasok si Cris habang karga nito si Qen.

"Hi Mama! Hi Ate Len!" Masayang bati ni Qen sa kanila.

Ibinaba ito ni Cris pagkatapos ay lumapit sa kaniya ang binata. "Tapos na ba kayo?" Tanong nito.

"Patapos pa lang," sagot niya at napatingin kay Qen na kumakaway sa kaniya.

"Bye Ate Len-len... uwi na kami," sabi nito na ikinangiti niya.

Dala nito ang laruan nitong kinaaayawan niya pero naglakas loob pa rin siyang lumapit dito para yakapin ito, kahit ngayon lang, pero napahinto siya sa paglalakad nang makitang naunang lumapit si Cris sa bata at kinuha yung stuffed toy ni Qen.

"Kunin ko muna 'to, Qen para mayakap ka ni Ate Len-len nang mahigpit," saad nito pagkatapos ay kinindatan siya.

Nginitian niya naman ito bago niya linapitan si Qen at yinakap ito nang mahigpit.

"Ate Len-len, punta ka sa bahay namin ha? Madami ako toys dun," pahayag nito na ikinatawa niya.

Pinanggigi-gilan niyang kinurot ang pisngi nito. "Ang cute-cute mo talaga!"

Binitawan niya na si Qen nang pumasok na ang Ama nito para sunduin na sila.

Sumama siya sa palabas ng k'warto para ihatid ang mga ito pero bigla nalang siyang hinarang ni Lexxian at yinakap. "Nice meeting you, Marvelene... and I'm looking forward to our next meeting, if that happens may i-ooffer akong trabaho sa'yo," makahulugan nitong sabi.

Napa-aray ito nang biglang pitikin ni Cris ang noo nito. "H'wag mo ngang idamay ang Len-len ko sa kalokohan mo!"
Napabusangot naman ito at naiinis na umalis.

Tinignan niya naman si Cris saka napailing na lang siya nang nginitian siya nito.

Sumunod na rin sila palabas nang Mansyon para ihatid ang mga ito.

"Bye Marvelene!" Paalam ni Howen, "It's nice meeting you, saka sa syudad na lang kita kakausapin tungkol kay Cheska, " dagdag pa nito.

Nginitian niya naman ito at kinawayan. Nagpaalam na rin sa kaniya ang iba pa nitong kaibigan at di nagtagal ay umalis na ang mga ito.

"Finally! Tayo na lang dito," biglang sabi ni Cris habang nagtataas-baba pa ang kilay.

"Bakit feeling ko may gagawin kang kabulastugan?" Tanong niya.

Napangisi naman ito at inakbayan siya. "Feeling mo lang 'yon... tara na." Hinila na siya nito papasok.

"Cristob---" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang bigla siyang siilin nito ng halik.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon