Chapter 34

210 7 0
                                    

Enjoy❤

Chapter 34

IT'S ten in the evening and she's ready. Hindi na siya nag-abala na magdala ng maraming damit at ang kinuha lang ay ang mga importanteng bagay na kakasya sa isang backpack niya.

Walang ibang nakakaalam sa plano niya, miski si Cheska ay hindi niya sinabihan tungkol dito. May posibilidad na magsumbong ito kay Mr. Zheta. Pero wala na siyang pakialam.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa bintanang dadaanan niya... Medyo may kataasan 'yon pero wala siyang maramdaman kahit na katiting na takot manlang. Mas natatakot pa siya na hindi niya mapuntahan ang tagpuan nila ni Cris.

Natigilan siya nang marinig ang mga yabag galing sa labas at kilalang-kilala niya 'yon.

Dali-dali siyang umalis sa harap ng bintana at mabilis na hinagis ang bag niya sa ilalim ng kama pagkatapos ay humiga at binalot ang sarili niya ng kumot saka nagtulog-tulugan. Kasabay naman nun ang pagpasok ni Crisostomo.

Nararamdaman niyang papalapit sa kaniya ang yabag nito at di nangtagal ay naramdaman niyang umaplos ang daliri nito sa mukha niya.

"H'wag na h'wag niyong hahayaan na makalabas siya ulit. Ayoko ng maulit ang nangyari. Understand?" Rinig niyang sabi dito.

"Y-yes, Sir."

"Siguraduhin mo lang, Cheska... You know me. Kung ayaw mong tuluyan kong tapusin ang buhay mo, you shouldn't disobey me. I'm giving you the chance to fix your mistakes, I hope you won't waste it."

Did she get caught? Again?

Narinig niya ng ang mga papalayong yabag nito kaya sandali siyang nag-mulat ng mata na nakita niyang umiika si Cheska sa paglalakad, pagkasara ng pinto ay narinig niya ang lock ng pinto. Sinisigurong hindi siya makakalabas.

Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig. Bigla siyang inatake ng konsensya niya.

Dahil sa'kin nabugbog na naman si Cheska... But Cristobal needs me.

Bumangon siya at napatulala sa kawalan. Nalito siya bigla sa desisyon niyang nung isang araw lang ay sigurado na siya.

Shit!

Marahas niyang sinabunutan ang sarili niya kasabay nun ang pagtingin niya sa orasan na nasa sidetable. Pero naagaw ang atensyon niya sa pouch bag na galing sa babaeng nabangga niya.

Kinuha niya 'yon at sinuri. Hindi niya naman ugali na mangialam sa gamit ng iba pero parang may bumubulong sa kaniya na kunin 'yon at tignan.

Nang buksan niya 'yon. Mga lumang papel, alahas, voice recorder at flashdrive ang nandun. Sinuri niya yung pouch para tignan kung may pangalan o palatandaan ba 'yon pero wala siyang nakita kahit initials manlang.

Sandali siyang napatitig sa voice recorder na nakita. Bigla niyang naalala ang Ate niya dahil sa bagay na 'yon.

Kinuha niya ang earphones niya na nasa bag niya at sinaksak sa recorder at pinakinggan ang laman nun. Pero sobrang ingay kaya hindi niya marinig ng klaro ang tunog kaya pinatay niya na lang ito. At sunod namang inusisa ay yung flashdrive. Kinuha niya naman yung pinakatago-tago niyang laptop at sinaksak dun ang Flashdrive.

Isa-isa niyang tinignan ang mga folder na nandun pero wala namang laman ang mga 'yon hanggang sa umabot siya sa panghuling folder at yon ang pumukaw sa kyuryusidad niya.

Tatlong video ang nakita niya dun at sa 'di malamang dahilan ay bigla na lang nilukob ng kaba ang dibdib niya. Pinindot niya ang unang video at nakita niya ang isang babae, ito yung babaeng nabangga niya at mukhang ito ang may-ari ng pouch na nakuha niya. Pansin niya sa mukha nito ang hirap at mukhang kulang na kulang ito sa tulog.

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon