Chapter 20
SA lumipas na araw, mas lalong naging malambing sa kaniya si Cris... inaamin niya naman sa sarili niya na minsan ay gusto niya ang mga ginagawa nito at minsan ay nadadala siya sa ka-sweetan nito pero pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na mahulog sa patibong nito.
Hindi siya uto-uto para hindi mapansin na may binabalak ito... Sino ba naman kasi ang magpapatawad ng ganun-ganun lang? Kaya doble ang ginagawa niyang pagbabantay at pag-oobserba niya ang bawat galaw nito.
You can't deceive a deceiver Mr. Duallo...
Kasalukuyan siyang naglalaba ngayon ng mga damit ni Cris na ginamit niya. Wala naman kasi siyang ibang gamit sa Mansyon bukod sa damit niyang suot nang mahuli siya nito, kaya wala siyang choice kun'di suotin ang makita niya.
Pagkatapos niya'y agad siyang bumalik sa k'warto para diligan ang mga halaman doon at para dun na rin mag palipas ng oras.
Napaisip naman siya... siya na siguro ang pinaka mas'werteng salarin dahil ikinulong siya sa isang paraiso ng lalaking matagal niya ng hinahanap.Konokonsidera niya na lang itong bakasyon niya. Pansamantalang nawawala sa isip niya ang mga problema na nangyayari sa kaniya sa syudad... nag-aalala siya kay Lola Lucrecia pero alam niyang hindi ito pababayaan ng kuya Eugene niya.
HABANG nagbabasa siya ng libro ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto at agad siyang naalarma doon. Nakasanayan niya ng mambato ng gamit sa tuwing may pumapasok na hindi kumakatok, yabag lang ng Lola niya ang kikila niya kaya naman nang bumukas ang pinto ay awtomatikong kumilos ang kamay niya at binato dito ang hawak niyang libro.
"What the--- Len-len!" Reklamo ni Cris habang hinahimas ang balikat nitong natamaan.
Napabuntong hininga siya saka kumuha ulit ng libro at hindi na ito pinansin.
"Ugali mo na talaga 'yang pambabato ng mga bagay!" Naiinis na saad nito.
"I just do that to a person who doesn't know how to knock," sabi niya dito na hindi manlang ito tinatapunan ng tingin.
Narinig niyang marahas itong napabuntong hininga. "Ba't pa ako kakatok kung k'warto ko naman 'to?!" Depensa nito.
"K'warto mo nga pero alam mo naman na may ibang umuukupa dito."
Shit! Why am I answering him?! Just ignore him, Marvelene...
"But how?" Sabad ng kabilang isip niya.
"Anyway... para sa'yo," sabi nito at biglang may ilinapag na mga shopping bags sa harap niya.
Magsasalita sana siya pero naunahan siya nito. "I know you're not a materialistic woman, but trust me. You really need this... nauubusan na ako ng damit dito kasi ikaw na ang gumagamit, pero ayos lang naman 'yon kasi kaya ko namang maglakad ng nakahubad-baro ang kaso lang pag ilipat ko doon sa kabilang k'warto ang mga gamit ko, baka wala ka ng suotin, saka nandito ang loko kong kaibigan at ayoko na makita ka niyang ganyan lang ang suot mo." Refering to the big t-shirt and boxer that she wears.
Mga damit lang ang kinuha niya at iniwan niya na ang iba.
"What about this?" Tanong nito habang nakatingin sa ibang gamit na hindi niya kinuha.
"Bahala ka na diyan."
Napapantastikuhan itong napatingin sa kaniya. "Seriously? Ano naman ang gagawin ko dito?" Tanong nito habang hawak nito ang isang pack ng napkin.
"Kainin mo kung gusto mo."
"Iiwan ko na lang 'to dito... alam kong kaya mong mag improvise ng napkin, nakapag-improvise ka ng bomba simpleng napkin pa kaya?"
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
Художественная прозаHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...