CHAPTER 36
PATULOY pa rin sa pagiyak si Marvelene habang nakatulala sa kawalan at paulit-ulit niyang naalala ang nangyari kani-kanina lang.
Nagmakaawa siya at nagpumiglas pero sapilitan pa rin siyang pinainom ni Dra. Ilao ng isang tabletas na kumitil sa buhay ng walang kamuwang-muwang niyang anak...
Napahagolgol siya ng iyak. Hindi manlang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ito, marinig ang unang iyak nito at makarga ito. Pakiramdam niya may nawala sa parte ng katawan niya dahil sa pagkawala ng anak niya.
Patawarin mo ako, anak... Hindi manlang kita naprotektahan.
Narinig niyang bumukas ang pinto pero hindi niya pinansin 'yon. Nalaman niya na lang kung sino ang pumasok nung lumapit sa kaniya si Cheska at yinakap siya nang mahigpit.
"Bakit? Wala namang kasalanan ang anak ko!" Humahagolgol niyang sabi dito. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya at inalalayan siyang tumayo. May kumikirot pa rin sa parte ng katawan niya lalo na ang tiyan niya pero mas nanaig ang sakit ng puso niya nang makita ang dugo sa binti niya.
Iyak lang siya nang iyak habang tinutulungan siya ni Cheska na maglinis ng katawan at magbihis.
Wala siyang nagawa para iligtas ang anak niya. Ang anak nila ni Cris...
Nangungusap ang matang tinignan niya si Cheska. "Puntahan mo si Cris... Warn him about Eugene. Please, Cheska. Nagmamakaawa ako sa'yo, puntahan mo siya."
Nakatitig lang ito sa kaniya pagkatapos ay pagak na natawa. "Ganito na nga ang nangyari sa'yo at sa anak mo, siya pa rin ang iniisip mo... Isipin mo rin naman ang sarili mo. Mag-iisang buwan ka na dito pero wala manlang siyang ginagawa para mahanap ka."
"Alam kong mahal niya ako at alam kong hinahanap niya ako," puno ng pagasang sabi niya. May kalayuan sa siyudad ang kinaruruunan niya ngayon pero malaki ang tiwala niya sa asawa niya. Base sa mga palatandaan niya'y, nasa lumang Mansyon siya ni Crisostomo na nasa gitna ng kagubatan. Kung makakaalis man siya sa Mansyon ay alam niya ang mga daanan paalis sa impyernong kinaruruunan niya. Pero paano siya makakatakas kung may mga matang nakabantay sa kaniya.
Muli niyang naalala ang tungkol kay Eugene. "Please, Cheska. Puntahan mo si Cris. Balaan mo siya at baka kung anong gawin ni Eugene sa kaniya." Napahikbi siya nang maalala ang sinabi ng kaibigan ng Ate niya, "It was Eugene. Siya ang taong pumatay sa Ate ko, Cheska... Si Eugene."
Nag-iwas ito ng tingin at hindi niya inaasahan na ganun ang magiging reaksyon nito. Hindi niya manlang nakita ang pagkagulat sa mukha nito.
Nabitawan niya ang kamay nito at hindi makapaniwalang tinitigan niya ang dalaga. Pakiramdam niya'y sinaksak siya ng ilang beses.
"You knew..." Pigil ang hiningang sabi niya. Napakuyom ang kamao niya at pilit na pinipigilan ang sarili na hindi ito sugurin. "All this time, Cheska! Alam mo?! Alam mo pala pero bakit hindi mo sinabi?!" Sigaw niya dito, "Nakita mo ang paghihirap at mga sakripisyo ko! Saksi ka dun! Pero paano mo nasikmura 'yon?! Paano mo napanatiling tikom 'yang bibig mo!?" Napahilamos siya ng mukha at pakiramdam niya masisiraan na siya ng bait. "Anong klase kang tao?! Wala kang puso! Wala kang konsensya!"
Mapait itong napangiti saka tumayo. "Hindi kasi ako kagaya mo, Marvelene... Magkaiba tayo! Masyado kang nagpapaniwala sa mga sinasabi ni Crisostomo at hindi mo manlang naisip kung bakit tila ba alam niya ang lahat!"
Marahas itong napabuntong-hininga. "Tauhan ni Crisostomo si Eugene! Pilit na sumasagabal ang Ate mo sa plano ni Crisostomo na angkinin ka, kaya inutos niya kay Eugene ligawan si Marlene at sa huli ay patayin. Ispiya din siya sa CRS kaya nagawa niyang magtanim ng mga ebidensya para mabunton ang kasalanan kay Cris at sa tatay mo. Hindi mo kasi ginamit ang utak mo at mas pinairal mo ang galit mo!" Giit nito, "And then you met Cris... Nagpadala ka sa bugso ng damdamin mo at tila nakalimutan mo ang lahat!"
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)
General FictionHe don't do relationship... It sucks. That is what he believes. Kahit wala pa naman siyang karanasan sa pag-ibig. But there's this girl who captured his attention. Nung una niya itong makita ay hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito at doon...