Chapter 27

204 8 0
                                    

Chapter 27


NATULOS sa kinatatayuan si Cris habang nakatitig kay Marvelene habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha sa mga mata nito.

"W-what?"

"You heard me right, Cristobal... Pinatay mo ang Ate ko! At pinalabas mo pa na ang sarili kong ama ang may gawa nun! Kinamumuhian kita kaya ginawa ko ang mga bagay na 'yon sa'yo at sa kompanya mo!" Mahina itong napahikbi at matalim ang matang nakatingin sa kaniya, "At akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan?! Doble-doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko na kalimutan na lang ang nangyari noon para makasama ka lang! Sobrang sakit para sa'kin na makita ka dahil binabalik mo ang lahat ng mga ala-alang halos dumurog sa pagkatao ko! Pero tinitiis ko dahil ganun kita kamahal!"

Napahagolgol ito sa harap niya habang siya naman ay tahimik lang at pilit na rene-rehistro sa utak niya ang bawat salitang sinabi nito.

"Sinakripisyo ko na lahat para sa'yo, Cristobal! Wala ng natira! Pero wala palang halaga ang lahat ng 'yon sa'yo, dahil makasarili ka! Wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo!" walang buhay itong napangiti. "And now we're even... a life for a life. Ikaw sana 'yon, pero aaminin ko, hindi ko kaya at mas mabuti na rin siguro 'yon." Hinubad nito ang sing-sing na ibinigay niya nung kasal nila saka itinapon sa harap niya, pagkatapos ay tumalikod na ito sa kaniya at naglakad na paalis pero nagsalita pa ito, "Choosing you is a big mistake... I choosed to fight, for you. But you choosed to fight, only for yourself. Maging masaya ka na sana na nagawa mong gawing miserable ang buhay ko sa pangalawang pagkakataon," dagdag nito bago tuluyang umalis.

Nanghihina naman siyang napaupo at napatitig sa sing-sing nito habang inaalala rin ang huling katagang sinabi nito na naging palaisipan sa kaniya.

....

"CHEEERRSS!" Sigaw ni Jet habang nakataas ang baso nitong may lamang alak.

Biglang nagyaya si Morille na uminom at dahil kailangan 'yon ng katawan niya sa ngayon, ay agad siyang pumayag at pumunta sa condo nito.

"So, how's your plan going?" Biglang tanong ni Glonar at handa na sana niya itong sagutin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Howen na may dalang envelope pagkatapos ay ibinigay sa kaniya nang makalapit ito.

"Congratulations, Man!" Saad nito pagkatapos ay nagbukas ng beer at agad na tinungga 'yon. Lahat sila natigilan at gulat na napatingin dito napansin naman ito ni Howen at ginantihan sila ng tingin na puno nang pagtataka.

"What?" Nagtatakang tanong nito.

"H'wag mong sabihin na tinotoo mong irehistro ang dokumentong 'yon?!" Gulat na sabi ni Brix.

Napapantastikuhang napatingin si Howen sa kaniya. "Wait, wait... damn, Man. Don't tell me, hindi ka seryoso dun?! Kasal na 'yon!" Gulat na tanong nito na parang walang kamalay-malay, "I thought, you were serious about that? Bakit naman kasi hindi mo sinabi sa'kin?"

"Isipin mo nga ang sitwasyon nila... Tingin mo ba ganun lang kadali 'yon?" Saad ni Jet.

"Kasi naman hindi halata sa galaw ni Cris na may binabalak siya... Swabeng-swabe to the point na tayo rin nalilito," giit ni Howen na agad namang sumang-ayunan ng iba niya pang mga kaibigan, "Matanong ko lang? Ba't mo ba 'to ginagawa? I mean... Ikasasaya mo ba at ikaaayos ng kompanya mo kung gagawin mo 'to?"

"I don't know..." Naguguluhan niyang sagot dito. Pakiramdam niya hindi niya na kilala ang sarili niya sa pagkakataong 'to.

"Mahal mo ba siya?" Tanong naman ni Brix.

"Hindi," diretsahan niyang sagot pagkatapos ay napabuntong-hininga,­ "It's just that... I don't feel the same way as before. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko kung siya ba talaga yung Len-len na minahal ko."

Secret Identities Series#2: Cris Duallo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon