[COMPLETED]
Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HINDI pa rin makapaniwala si Ivana Ramos sa mga nangyayari. Feeling niya ay nasa ibabaw pa rin siya ng ulap! Nag-propose lang naman ng kasal sa kaniya si Nicholas-ang five-year boyfriend ko. Happy siya kasi pangarap niya talaga ang maikasal sa nobyo pagdating ng tamang panahon. At ngayon na nga ang tamang panahon na iyon!
Isang oras na ang nakakalipas simula nang makauwi siya kanina mula sa lugar kung saan nag-propose si Nicholas pero hindi pa rin talaga siya maka-get over. Kanina pa siya nakahiga sa kama niya sa kaniyang kwarto. Parang tanga at mag-isang nakangiti. Grabe naman kasi iyong proposal ni Nicholas. Sobrang unexpected! Itinaon pa talaga nito sa kanilang ika-limang anniversary.
Akala ni Ivana ay katulad lang ng mga naunang celebration nila ang naturang anniversary-iyong pagpunta nila sa Picnic Grove sa Tagaytay. Sa lugar na iyon kasi nila talaga nagce-celebrate ng kanilang anniversary dahil doon niya sinagot si Nicholas. Ang plano ay magpi-picnic lang at pagkatapos ay sasakay ng kabayo then uuwi na. Ganoon lang ang ginagawa nilang dalawa sa tuwing anniversary nila dahil iyon ang tipid na pagce-celebrate.
Aba, hindi lang pala ganoon ang magiging ganap. Dahil habang nakasakay sila ni Nicholas sa iisang kabayo ay bigla na lang itong nahulog. Nakita niya itong namimilipit sa sakit habang nakabaluktot sa may lupa. Nataranta na siya kasi kita sa gwapong mukha ng boyfriend niya ang sakit. Talagang nakangiwi ito at parang mamamatay na!
Siyempre, super afraid siya. Bumaba na siya ng kabayo. 'Eto na nga... Nang tutulungan na niya si Nicholas na itayo ay bigla na lang itong naglabas ng isang singsing na may maliit na parang dyamante sa gitna! Shock na shock si Ivana! Para na nga siyang natuklaw ng ahas at hindi na makagalaw. Sa singsing na lang siya nakatingin talaga.
Hanggang sa lumuhod na ito at tinanong siya ng: "Will you marry me, Ivana Ramos?"
Para mas maganda ang ganap ay tumayo siya sa harapan ni Nicholas bago sumagot ng: "Yes!"
Nagpalakpakan na nga ang mga tao sa paligid nila. Mag ibang nag-vi-video pa gamit ang kani-kanilang cellphone. Tapos dahil medyo pagabi na niyon ay may pa-fireworks pa si Nicholas pero simple lang. Hindi engrandeng fireworks na parang sa SEA Games ang level. Saka ilang seconds lang.
"Mrs. Ivana Ramos Cuenca!" Kinikilig niyang banggit sa magiging pangalan niya oras na maikasal na siya kay Nicholas. "Bet!" tili ni Ivana.
Aba, bukod sa mahal na mahal niya si Nicholas ay masaya rin siya dahil siguradong ang daming babae at bakla ang mai-imbyerna sa kaniya kapag naikasal na siya kay Nicholas. Dahil ang boyfriend niya lang naman ay isa sa mga pinaka gwapo at pinagpapantasyahan dito sa lugar nila sa Sto. Tomas, Batangas.
Oo, totoo 'yan. Walang halong pagsisinungaling. Hindi niya iyon sinasabi dahil sa boyfriend niya ito. Matangkad si Nicholas. Six feet and one inches ang height. Medium built ang katawan na may kaunting pa-abs. Ang kulay ng balat nito ay may pagka-moreno kaya lalaking-lalaking tingnan. Strong ang features ng mukha ni Nicholas. Matangos ang ilong, medyo bilugan ang mata at makapal ang kilay. Prominent jaw line. Pak na pak talaga! Manipis pa ang labi at mapula. Malambot dahil ilang beses na niya iyong nahalikan kaya alam niya. In short, super gwapo talaga!