[COMPLETED]
Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“NAKAPAG-DECIDE na rin po ako with my management na magpapahinga muna ako pansamantala hanggang sa matapos po itong pinagdadaanan ko at ng aking asawa. Ngayon pa lang ay nagso-sorry na po ako sa kasamahan ko sa ginagawa kong movie at TV series dahil hindi ko na po kayang ituloy dahil sa bigat ng problema ko ngayon. I know naman po na maiintindihan nila ako. Sorry po talaga…”
Ibinuhos na ni Giovana ang pag-iyak upang mas maging kaawa-awa siya. Tumagal ng halos twenty minutes ang interview niya.
Pagkatapos ng interview niya sa Unang Hirit Sa Umagang Kay Ganda ay nag-drive na rin siya pauwi ng bahay. Excited na siyang makauwi upang makita ang reaksiyon ni Ian. Wala kasi itong kaalam-alam na alam na niya ang kalokohan nito kaya malamang na nagulat ito kung sakaling napanood nito ang interview niya. O kung hindi man nito napanood, malamang ay kalat na sa social media sa oras na ito ang balita tungkol doon kaya imposibleng hindi pa nito alam ang ginawa niya.
Sa totoo lang, hindi na niya kasi alam ang dapat niyang gawin kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tawagan ang kaniyang manager na si Mother Leng upang humingi ng advice. Isa itong matandang bakla na halos lahat ng hawak na artista ay kilala sa industriya. Simula ng mag-umpisa siyang mag-artista ay ito na ang nagma-manage sa kaniya kaya hindi na lang manager ang tingin niya dito kundi parang magulang na rin.
Hanggang ngayon ay natatandaan pa niya ang naging pag-uusap nila ni Mother Leng kagabi…
“What?! May kabit si Ian?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Mother Leng matapos niyang sabihin dito ang pambabae ng kaniyang asawa. Kahit bakla ito at malaki ang bulas ng katawan ay malaki ang boses nito. Nagsusuot ito ng pambabae at mahaba pa ang buhok. “Wait, sure ka na ba o kutob pa lang?”
“Hundred percent sure na po, mother. Actually, nag-date pa nga sila kanina at nakita ko mismo na magkasama sila ng kabit niya!” Wala pa ng oras na iyon si Ian sa bahay kaya sinamantala na niya ang pagkakataon para makapausap si Mother Leng. “Ise-send ko sa inyo ang mga evidence. May CCTV footage ako ng pagpunta ng haliparot na kabit ni Ian. Kinunan ko din sila ng pictures sa date nila!”
“Oh, my gosh! I can’t believe lang na magagawa sa iyo iyan ng hubby mo. I thought he’s a good man!”
“Iyan din ang akala ko, mother, but I was wrong. Mother, g-gusto kong gumanti sa kanilang dalawa lalo na sa haliparot na babaeng 'yon pero natatakot ako na baka maapektuhan ang career ko. Ayokong bumagsak na ang dahilan ay si Ian at ang kabit niya!”
Matagal na hindi nagsalita si Mother Leng.
“Mother?” untag niya sa pananahimik ng kaniyang manager.
“Nag-iisip ako at may naisip na ako…” anito. “You know, pwede mong gamitin iyang pambababae ng asawa mo para mas lalo kang sumikat at pag-usapan! Pero dapat ay magmukha kang kaawa-awa talaga at baka masisisi ka pa kapag nagtataray ka.” “What do you mean, mother?” Naguguluhan si Giovana sa sinabi nito. “Ganito ang dapat mong gawin, Giovana. Listen to me. Okay? Kailangan mong sabihin sa national TV na may kabit ang asawa mo pero hindi ka magtataray at magmamatapang. Dapat ay magmukha kang kawawa sa mata ng mga tao. Umiyak ka, humagulhol ka, gamitin mo ang husay mo sa pag-arte para makuha ang simpatya ng lahat! Kayang-kaya kong sabihin sa isang morning show na magpapa-interview ka about that. Tapos, ang sabi mo ay gusto mong makaganti sa kabit ng asawa mo? Simple lang… Ipapakita natin sa buong Pilipinas ang mukha at pangalan ng haliparot na kabit! Ano sa tingin mo, Giovana? Bright idea, 'di ba? Magagawa mong ipahiya ang kabit ng asawa mo at hindi lang ikaw ang makakalaban niya kundi maging ang libo-libong fans mo!” Mahaba nitong suhestiyon.