CHAPTER 29

3.6K 124 33
                                        

KANINA pa palakad-lakad si Ivana sa salas na akala mo ay pusang hindi mapatae. Uupo siya, tatayo tapos lalakad. Paulit-ulit. Manaka-naka ay kinakagat-kagat niya ang mga daliri niya sa kamay. Ganoon ang ginagawa niya kapag nate-tense siya at hindi alam ang gagawin.

Kakagaling lang kasi niya sa isang ospital upang ipa-check kung ano ba ang ibig sabihin ng pagsusuka niya kaninang umaga. May hinala siya na buntis siya. Una ay naisipan niyang bumili ng pregnancy testing kit pero baka maling resulta lang ang makuha niya doon kaya nagdesisyon siyang mapa-check up nang mag-isa. Matapos ang check up niya ay nalaman niya na dalawang buwan na siyang buntis.

Napaisip tuloy siya. May posibilidad na si Ian ang ama ng dinadala niya dahil parang ganoon na katagal simula ng unang beses na may mangyari sa kanilang dalawa. Ngunit maaari din na kay Nicholas ang ipinagbubuntis niya dahil may nangyayari pa rin sa kanila sa panahon na kakakilala pa lang nila ni Ian. Hindi sa katotohanang buntis siya nate-tense kundi sa pag-iisip kung sino ba ang ama ng batang nabubuo na sa kaniyang sinapupunan. Ngunit sa sitwasyon niya ngayon ay hindi pwedeng si Nicholas ang ama ng nasa tiyan niya dahil wala na sila nito. Si Ian ang dapat na maging tatay ng magiging anak niya. Natatakot siyang baka kapag si Nicholas ang nakabuntis sa kaniya ay magbago ang timpla ni Ian at iwanan na lang siya.

“Hindi! Hindi 'yon mangyayari!” Sa sobrang tense niya ay naibulalas na niya ang dapat ay sa sarili lang niya sinasabi.

Natigilan si Ivana nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan na sinundan ng pagbusina. Sumilip siya sa bintana at nakita niya ang sasakyan ni Ian sa may labas. Nagtaka siya dahil ang akala niya ay hindi na muna sila magkikita habang hindi pa nakakabalik sa pagtatrabaho ang asawa nito. E, sa isang araw pa daw magre-resume ang taping ni Giovana kaya paanong nandito si Ian?

Wala naman siyang makukuhang sagot kung sarili niya ang kaniyang tatanungin kaya lumabas siya ng bahay at ipinagbukas ng gate si Ian. Nang maipasok na nito ang sasakyan ay saka niya isinara ang gate. Pagkababa ni Ian ng sasakyan ay sinalubong niya ito ng mainit na halik na akala mo ay gutom na aso.

“Na-miss kita, daddy…” aniya habang nakatingin sa mukha nito at hinahaplos iyon.

“I missed you too, mommy! Kumusta ka naman dito?”

“Hmm… Of course, sad ako kasi alone lang ako. Pero happy na ako kasi nandito ka na!”

Niyaya niya sa loob si Ian pero pinauna na siya nito dahil may kukunin daw muna ito sa loob ng sasakyan. Nang tanungin naman niya kung ano iyon ay surprise daw.

“Surprise? For me?” Hindi makapaniwalang napahawak siya sa dibdib.

Tumango si Ian. “Yes. For you. Kaya go inside na at hintayin mo ako doon.” Pinisil nito ang tungki ng ilong niya.

Sinunod na lang ni Ivana ang utos sa kaniya ni Ian. Masaya siyang pumasok sa loob ng bahay at hinintay sa may salas si Ian habang iniisip kung ano kaya ang sorpresa na sinasabi nito. Hindi nagtagal ay pumasok na si Ian at napansin niya ang hila nitong malaking maleta. Buong pagtatakang napatayo si Ivana habang nakakunot ang noo. “Ano iyan?” tanong niya.

Binitawan ni Ian ang maleta at nilapitan siya. “Simula ngayon ay dito na ako titira, mommy. Magkakasama na tayo araw-araw at hindi na tayo magkakahiwalay!” Masayang sabi nito sa kaniya.

“H-ha? Anong sinasabi mo? Hindi ka pa pwedeng tumira dito dahil kay Giovana…”

“Pwede na—” Natawa nang bahagya si Ian. “Wait, sa hitsura mo ay mukhang wala ka pang alam. Nanood ka ba ng morning show kanina o nag-check ka na ba ng social media accounts mo dahil sigurado ako na kalat na doon ang ginawa ni Giovana,” anito. Puzzled pa rin siya sa pinagsasabi nito.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon