NAKANGIWI si Ivana habang tinitingnan niya ang mga pictures na in-upload ng ilang dumalo sa kasal nila ni Nicholas. Nakahiga siya sa sofa habang hawak ang cellphone.
Mag-isa lang siya sa bahay dahil agad ding bumalik sa trabaho si Nicholas matapos ang kasal nila kahapon. Ganoon ito kasipag. To the point na nakakapagtampo na dahil hindi man lang ito nagplano na magbakasyon sila para sa kanilang honeymoon. Pero wala na siyang magagawa dahil mahal niya si Nicholas. Kailangan niyang tanggapin ito.
Mas lalong napasimangot si Ivana. Wala siyang nakitang magandang kuha ng pictures. Very ammature. Kuha lang sa cellphone. Maging ang mga pictures na si-nend sa kaniya ng kanilang photographer ay wala din siyang nagustuhan. Parang ammature din ang kumuha. Umaasa kasi siya na may makikita siyang magagandang kuha sa mga pictures ng mga dumalo pero wala rin pala.
Hinahanapan na kasi siya ng mga subscriber niya sa Youtube ng wedding photos at wala pa siyang maipakita. Gusto niya ay high quality na pictures ang ipapakita niya para hindi siya mapahiya.
Well, mukhang wala na siyang magagawa kundi ang huwag na lang mag-upload at hayaan ang mga tao na magsawang mag-request na mag-upload siya. Hindi na lang muna siya magpapaka-active sa Youtube channel niya kahit one month. Tutal, hindi na niya kailangan pang magtrabaho para kumita ng pera. Si Nicholas na ang gagawa niyon para sa kaniya. Bilang asawa ay obligasyon nito na bigyan siya ng pera. Iyon ang pagkakaalam at paniniwala niya.
“My God! Ang chaka lahat!” Nakatirik ang mata na ipinatong niya sa may tiyan ang cellphone. Suko na siya. Wala na siyang makikitang magandang wedding picture.
Disaster talaga ang nangyaring kasalan nila ni Nicholas. Wala siyang kasalanan doon. Si Nicholas—marami. Hindi ito ready. Kulang ang budget nito.
Mabilis na kinuha ni Ivana ang cellphone nang bigla iyong tumunog. Sinagot niya iyon nang malaman na si Yssa pala ang tumatawag. “Hello, ghorl!”
“Ghorl! Nandito na ako sa gate ng subdivision ninyo. Bumalik ako dito kasi hindi ko makita nag bahay ninyo. Pare-pareho kasi ang hitsura ng mga bahay dito!”
Kanina kasi ay tumawag si Yssa sa kaniya at meron daw itong business na idi-discuss sa kaniya. Baka daw maging interesado siya. Wala naman siyang ginagawa kaya pinapunta na rin niya ito dito sa bahay nila ni Nicholas. Kesa tumunganga lang siya buong maghapon at hintayin ang pagdating ng kaniyang asawa ay mas maganda na may tao siyang makausap.
“Sinabi mo pa! Ewan ko ba kay Nicholas kung bakit dito pa kumuha ng bahay. Diyan ka lang. Susunduin kita.”
“Okay. Fine!”
In-end na niya ang tawag upang puntahan na si Yssa sa may gate. Medyo malayo pa ang lalakarin niya dahil halos nasa dulong parte na ng subdivision ang bahay nila ni Nicholas. Ani ng asawa niya ay mas mura daw kapag nasa ganoong puwesto. Mura nga pero hihimatayin naman siya sa paglalakad bago marating. Lalo na kapag mainit gaya ngayon. Kaya nagpayong siya upang hindi mangitim.
Naabutan niya si Yssa na nakikipag-kwentuhan sa guard. Ang kaibigan niya talagang iyon! Basta may hitsura ang isang lalaki ay kakausapin. Ganoon kasi ang ugali nito. Aminadong hayok sa lalaki. Kaya nga daw hindi ito nagbo-boyfriend ay para malaya nitong malandi ang kahit na sinong lalaki na matitipuhan nito. Sa bagay na iyon sila magkaiba dahil one-ma-woman siya. Kapag in love siya sa isang tao ay hindi na siya tumitingin pa sa iba. Hindi na siya nakakaramdam ng attraction sa opposite sex bukod kay Nicholas.
May mga disappointment man siya kay Nicholas ay ito lang talaga ang mahal niya.
“Ano pala number mo? Text-text tayo—” Napatingin si Yssa sa kaniya nang akmang iaabot na nito ang cellphone sa guard. “Ghorl! Nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba?”

BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romance[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...