“THIRTY thousand?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Ivana matapos niyang bilangin ang perang nakalagay sa white envelope na nakuha niya sa bag ni Nicholas.
Nasa kwarto siya ng kasalukuyan at nasa ibabaw ng kama. May lakas ng loob na siya na tingnan ang laman ng envelope dahil wala na ang asawa niya. Kakaalis lang nito. Malamig pa rin siya kay Nicholas dahil mas lumala ang tampo niya dito. Napatunayan niya kasing pinagtataguan siya nito ng pera. Nagagawa siya nitong tiisin. Kahit yata magmakaawa siya dito ay hindi talaga siya nito bibigyan.
Thirty thousand pesos… Malaking pera na iyon.
Hindi naman niya siguro ito mauubos kung isang damit lang ang bibilhin niya. Saka nasa batas na kung ano ang pag-aari ng asawa mo ay pag-aari mo na rin kaya may karapatan siya sa perang ito. Pero nagtatalo pa rin ang isip ni Ivana kung babawasan ba niya ang pera ni Nicholas o hindi.
“Paano kung magalit siya sa akin kasi hindi ako nagpaalam?” tanong ni Ivana.
Hindi naman siguro magagalit si Nicholas sa kaniya. Sa tagal na nilang magkasama ay parang hindi pa niya natatandaan na nagalit ito sa kaniya. Nagtatampo, oo. At hanggang doon lang. Madalas nga kahit nagtatampo ito ay ito pa rin ang sumusuyo sa kaniya. Kapag kasi nagtatampo ito ay hindi niya kinakausap hanggang sa ito na ang hindi makakatiis. Susuyuin na siya ni Nicholas.
Magkano lang ba ang bagong dress ngayon? Okay na siguro ang five thousand. May maganda na siyang mabibili sa ganoong halaga ng pera. Kung sakaling magalit si Nicholas ay may naisip na siyang paraan para mabaligtad ang lahat. Magagalit din siya dito at ang idadahilan niya ay ang pagtatago nito ng pera sa kaniya kahit meron ito.
Tama, ganoon na lang ang gagawin niya.
Dapat na rin siyang magmadali dahil mamaya nang alas dos ng hapon ang opening. Tapos alas diyes pa ng umaga magbubukas ang mall. E, ala siyete pa lang ngayon. Mas maganda siguro kung magpasama siya kay Yssa para mabilis siyang makakapili ng damit na susuotin niya sa opening.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tinawagan na niya si Yssa. Anito, pwede siya nitong samahan ngunit dapat ay agahan nila ang pagpunta sa mall. Para daw pagkatapos nilang bumili ng damit niya ay sabay na silang magpapaayos ng buhok at magpapa-make up.
Sa pagkakataon na iyon ay desidido na si Ivana na bawasan ang pera ni Nicholas.
Pagsapit ng alas-nuebe ay nag-asikaso na si Ivana para sa pagpunta sa mall. Doon na kasi sila magkikita ni Yssa. Fifteen minutes bago sumapit ang alas diyes ay umalis na siya ng bahay at eksaktong bukas na ang mall nang makarating siya.
Tinext na niya si Yssa para i-inform ito na nandoon na siya. Sinabi niya na nasa tapat lang siya ng Starbucks sa first floor. Maya maya lang ay nakita na niya ang kaibigan na papalapit sa kaniya.
“Ghorl!” tawag nito sa kaniya sabay beso nang makalapit. “O, ano? Mukhang nakakubra ka sa hubby mo, a!”
“Ako pa ba? Hindi ako kayang tiisin ni Nicholas!” Pagmamalaki ni Ivana. “Nasaan na pala ang damit mo?”
“Nandoon sa kotse. O, bago ka mag-react, hindi sa aking kotse. Doon sa nanliligaw sa akin. Hiniram ko muna para hindi naman ako ngarag pagpunta dito. Saka kailangan ko rin ng car kasi may dala akong dress.”
“Saan ba magandang bumili dito ng dress?” tanong niya.
“Alam mo, ghorl, sa second floor maraming tindahan ng magagandang dress! Magkano ba ang budget mo?”

BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romantik[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...