CHAPTER 17

4.7K 116 26
                                    

MAPAYAPA at relax na relax na nakahiga si Giovana sa nakalatag na beach towel sa tabing-dagat sa magandang isla ng Balesin nang lapitan siya ng kasalukuyan niyang direktor sa ginagawa niyang pelikula na si Direk Zandy. Isa itong matandang baklang direktor na payat. Ito ang naging daan upang makapunta sila ni Ian dito sa Balesin. Hindi kasi dito basta-basta nakakapasok kung hindi ka member.

Nagsu-sunbathing siya at hindi niya kinalimutan na maglagay ng sunblock dahil ayaw niyang magtutong ang kaniyang balat sa sikat ng araw.

Umupo si Direk Zandy sa buhangin sa tabi niya at tinapik siya sa braso.

Napatingin si Giovana sa direktor. "Yes, direk? Ready na ba ang lunch?" tanong niya dito. Bago kasi siya umalis sa hotel ay nagpapaluto pa sila ng iba't ibang klase ng seafoods kaya naisipan niyang magbilad na lang muna sa araw.

"Oo. Pwede na tayong kumain pero look at your husband..." Inginuso nito si Ian na nasa may kalayuan. Hawak ang cellphone at may kausap na naman. "Ganiyan ba ka-hands on si Ian sa business niya at simula nang dumating tayo dito ay palagi siyang may kausap? Aba, mas matagal pa niyang hawak ang cellphone kesa sa iyo, ha."

Umayos ng pagkakaupo si Giovana at hinawi ang buhok na humarang sa mukha niya dahil sa malakas na hangin. Totoo naman ang sinabi ni Direk Zandy, tatlong araw na sila dito sa Balesin at madalas niyang nakikitang may kausap sa cellphone ang kaniyang asawa. Ang akala niya ay siya lang ang nakakapansin niyon pero maging pala ang dirketor niya ay napapansin din ang ginagawang iyon ni Ian. Nahihiya tuloy siya ngayon at baka kung ano ang isipin nito.

Pilit na ngumiti si Giovana bago nagsalita. "Ganiyan talaga iyan, direk. Normal nang palaging may kausap sa cellphone. Mas okay na iyan na about business ang mga kausap niya kesa ibang babae, right?" At mahina siyang tumawa.

"Sana nga lang business. E, paano kung hindi? Payo lang naman ito at hindi sa nakikialam ako, ha. Giovana, nasa vacation kayong dalawa. Sana ay iwanan muna niya ang work niya at tumutok siya sa iyo. O, natutukan ka na ba niya simula ng dumating tayo dito? Don't tell me hindi pa?"

"Direk!" Pinamulahan siya ng mukha nang agad na makuha ang ibig nitong sabihin. "Ang naughty ng question mo. Tito Boy Abunda, is that you?!" biro na lang niya.

"Loka ka! Anyway, maging mapagmatyag ka sa asawa mo. Gwapo at macho. Lapitin iyan ng mga haliparot at makakating babae na kahit alam nang may asawa ay bibira pa rin. Parang mga linta ang mga iyan. Kakapit at sisipsip hanggang sa ikaw ang mawalan. Kaya harangan mo, bakuran mo. 'Wag kang masyadong kampante at baka sa huli ay malaman mong ikaw na ang nasa labas ng teritoryo mo!"

"That'll never happen, direk." Mabilis at seryoso niyang turan. "Kilala ko si Ian. Hindi niya ako magagawang ipagpalit. Saka isang Giovana Mercado ang asawa niya... Maghahanap pa ba siya ng iba?"

"Well, sabi mo, e. Sige na, ikaw na ang tumawag sa asawa mo. Ready na ang lunch!" Tumayo na ang baklang direktor at umalis.

Matalim ang mga mata na sinundan niya ng tingin ang direktor at inirapan ito nang lingid sa kaalam nito. "Pakialamerang bakla!" Mahina niyang sabi at tumayo na siya. Kinuha niya ang beach towel at nilapitan na si Ian.

May kausap pa rin ito sa cellphone at dahil nakatalikod ito sa gawi niya ay hindi nito napansin ang kaniyang paglapit. Nadinig niya tuloy ang pagsasalita nito. "Okay. Gagawa ako ng paraan. Calm down..."

Napakunot ang noo ni Giovana. Tungkol pa ba sa business nito ang taong kausap nito kung ganoon na ang sinasabi nito?

"Sino'ng kausap mo?" Mabilis na napalingon si Ian sa kaniya. Kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha nito nang makita siya.

"Fuck, Giovana! Nakakagulat ka!" anito. Tumagilid ito at kinausap ang kausap sa cellphone. "Saka na tayo mag-usap. I have to go. Bye." Pumihit ito paharap sa kaniya.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon