"HINDI ako nagsisisi na pumayag ako na pakasalan ka. Ang sa akin lang naman ay sana before ka nag-propose ay handa ka na talaga sa pagpapakasal sa akin. Financially. Alam mo ang dream wedding ko. Hindi ako maarte or what. I just know what I deserve. Sana ay naiintindihan mo ako. At hindi na natin pwedeng iatras ang date ng kasal natin dahil nga nakapag-post na ako sa social media accounts ko. Mapapahiya ako, Nicholas!"
Hanggang ngayon ay parang echo na paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng ulo ni Nicholas ang isinagot sa kaniya ni Ivana sa kaniya kahapon.
Aaminin niya, nanliliit siya dahil hindi niya kayang ibigay ang dream wedding ni Ivana. Aaminin din niya na masyado siyang nagmadali. Ayos lang naman siguro na huwag muna silang magpakasal after niyang mag-propose dito pero ipinilit pa rin niya. Naniwala siyang maiintindihan ni Ivana at lalawakan nito ang pang-unawa pero hindi pala. Nagkamali siya. Kaya naitanong niya dito kung nagsisisi na ba ito.
"Kanina ka pa ba, 'tol?" Napaangat ang mukha ni Nicholas nang marinig ang boses ng kaibigan niyang si Jason. Nasa isang bar sila ng gabing iyon. Inaya niya kasi itong uminom sila ng kaunti dahil gusto niya ng makakausap tungkol sa problem niya kay Ivana.
"Hindi naman, 'tol. Halos kakadating ko lang din." Itinaas niya ang isang kamay para tawagin ang isang waiter. Um-order sila ng isang bucket ng beer at chicharong bulaklak. Katrabaho niya si Jason at magkababata sila. Ito ang kinuha niyang bestman sa kasal.
"May problema ba? Dalawa lang kasi ang reason kapag nag-aaya kang mag-inom. It's either may dapat i-celebrate at may problema ka. So, ano?"
"Si Ivana kasi, 'tol... Hindi ko maibigay iyong demands niya sa kasal namin, e. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta." Malungkot at diretso niyang sagot. Very open kasi sila sa isa't isa na magkaibigan. Ito lang ang masasabi niyang kaibigan niya talaga. Saka para sa kaniya ay si Jason ang tamang kaibigan para sa kaniya dahil hindi ito mabisyo at hindi siya nito ini-impluwensiyahan ng kung anu-anong bagay. Nailing si Jason.
"Ikaw naman kasi, parang hindi mo kilala 'yang girlfriend mo. 'Di ba, ang sabi ko sa iyo ay huwag muna kayong magpakasal after ng proposal mo pero hindi mo sinunod ang payo ko. Ang sabi ko ay mag-ipon ka pa kasi aasa iyang si Ivana na maibibigay mo ang engrandeng kasal na gusto niya." Nagbukas ito ng isang bote ng beer at uminom. Ipinagbukas siya nito ng isa at iniabot sa kaniya.
"Akala ko kasi ay maiintindihan niya ako, 'tol..."
"'Tol, kilala mo si Ivana. Pasensiya sa word pero materialistic na babae si Ivana. Alam mo iyan sa sarili mo kaya hindi mo pwedeng sabihin na maiintindihan ka niya. Kapag gusto niya, dapat ay ibibigay mo. Sorry, 'tol, pero real talk lang."
Hindi magawang magalit ni Nicholas sa sinabing iyon ni Jason dahil aminado siyang totoo ang tinuran nito. Pati nga mga magulang niya ay napapansin ang ugaling iyon ng nobya niya pero binabalewala lang niya dahil mahal na mahal niya si Ivana. Mahal niya ito sa kabila ng pagiging materialistic nito. Ganoon naman talaga sa pag-ibig, e. Nagagawa mong hindi tingnan ang kapintasan o kamalian ng taong mahal mo. Tatanggapin mo siya kung ano siya kahit marami ang tumututol.
-----ooo-----
MABILIS na lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw ng pagpapakasal ni Ivana kay Nicholas. Plantsado na ang lahat mula sa gown niya, sa reception at mga pagkain, sa simbahan, dekorasyon at sa iba pang bagay na kailangan para sa isang normal na kasal.
Kung tatanungin si Ivana kung masaya siya ay fifty-fifty ang isasagot niya. Hindi siya lubusang masaya gaya ng ibang mga babae na ikakasal. Kung ang iba ang one hundred percent happy, siya ay hindi.
Yes. Masaya siya na ikakasal siya kay Nicholas dahil mahal niya ang lalaki. Walang duda pagdating sa bagay na iyon. Pero hindi siya masaya sa naging preperation ng kasal nila. Lahat ay tinipid ni Nicholas.

BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Storie d'amore[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...