CHAPTER 40

3.8K 138 37
                                        

WALANG pagsidlan ang kasiyahan noon ni Ian nang sa wakas ay mailuwal ng normal ni Ivana ang inaakala niyang anak nila na pinangalanan nitong Isabella. Napakasaya niya. Mas masaya pa noong malaman niyang buntis si Ivana at siya ang ama.

Noong mga unang buwan ay masaya naman talaga siya. Walang duda. Pero nang magkakilala sila ni Yssa ay doon na siya nagkaroon ng pagkukumpara. Naikukumpara niya ang pisikal na anyo ni Ivana sa kaibigan nito. Mas sexy si Yssa at mas maganda na rin dahil mas naaalagaan nito ang sarili. Kapansin-pansin kasi na nadagdagan ng timbang si Ivana matapos nitong manganak. Kaya unti-unting nawala ang gana niya dito at nalipat iyon kay Yssa.

Isang pitik lang ng tukso ay bumigay na siya. Bumigay siya kay Yssa nang ganoon kadali.

Naalala pa niya noong sinabi niya kay Yssa na parang walang nakuhang features niya si Isabella kahit man lang ang kulay niya. Sinang-ayunan ito ng babae dahil nang makita daw nito ang anak ni Ivana ay nasabi nito sa sarili na hindi niya ito kamukha. Si Yssa ang nagpayo sa kaniya na ipa-DNA test niya si Isabella kung meron siyang pagdududa. Kaya upang mawakasan na ang kaniyang agam-agam ay ginawa niya ang payo nito at kanina lang ay nalaman niyang hindi sila match ni Isabella sa DNA test. Ibig sabihin ay hindi niya ito anak!

“So, ano nang plano mo ngayon? Hindi mo pala daughter si Isabella…” ani Yssa.

“Hindi ako tanga para magpalaki ng batang hindi naman sa akin. Aalisin ko na sa buhay ko si Ivana at ang anak niya. Babalikan ko na si Giovana. I need her right now. Kailangan ko ulit bumangon.” May halong inis niyang sagot.

“What about me? What about us?”

“Us? Walang tayo, Yssa. We’re just fuck buddy. Bedmate!”

Para kay Ian ay ganoon lang si Yssa. Parausan. Hindi niya nakita dito ang nakita niya noon kay Ivana. Kay Ivana kasi ay may naramdaman siyang pag-ibig. Kaya nga niya iniwan si Giovana para dito. Ngunit nang magbago na ang katawan nito at nalaman niyang hindi niya anak si Isabella ay nawala na ang pagmamahal niya para dito. He felt betrayed.

“I know!” Mabilis na turan ni Yssa na para bang hindi man lang ito nasaktan sa kaniyang tinuran. “Ang ibig kong sabihin ay ano na ang mangyayari sa atin kung babalik ka kay Giovana? Hindi na ba tayo magkikita? O ano?”

“Hindi ko alam. Bahala na. You’re always there naman kapag kailangan kita, 'di ba?”

Mapang-akit na ngumiti si Yssa. “Of course, sweetheart! You know naman na unang pagkikita pa lang natin ay bet na kita. Kaya lang ayaw kong masira ang friendship namin ni Ivana kaya hindi ko pi-nush. But destiny na ang naglapit sa ating dalawa. Bet mo rin pala ako!” Humagikhik ito na akala mo ay kinikiliti ang singit.

“Sige na. Tapusin na natin itong food para makapunta na tayo sa casino.”

“Pwede bang sa hotel na agad tayo after this?” ungot ni Yssa.

Umiling siya. “Kailangan kong bumawi—” Natigilan si Ian nang maramdaman niya ang paa ni Yssa na naglalakbay sa kaniyang hita hanggang sa nakapatong na iyon sa gitna ng kaniyang dalawang hita. Hindi ganoon kalaki ang bilog na lamesa kaya naabot ng paa nito ang parteng iyon ng kaniyang katawan.

Napatingin siya sa babae at isang pilyang ngiti ang pinakawalan nito. “Please?” Namumungay ang mata nito. Kinagat pa nito ang labi matapos iyong basain ng laway gamit ang dila.

Pinagmasdan ni Ian nang maigi si Yssa. Talagang kaakit-akit palagi ang suot nito at ayos. Mahusay mag-make up at magsuot ng damit na sexy. Sumandal pa ito sa upuan at bahagyang iniliyad ang dibdib kaya mas lalo iyong umusli. Napalunok siya. Unti-unting nabuhay ang kaniyang pagkalalaki. Ngayon pa lang ay parang gusto na niya itong hubaran, ipatong sa lamesa at doon na lang angkinin.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon