CHAPTER 08

4.7K 95 19
                                    

MONDAY. Ito na ang araw na kinatatakutan ni Nicholas—ang huling araw na ibinigay sa kaniya para maibalik ang nawawalang thirty thousand pesos. At masakit mang tanggapin ngunit wala siyang nakuhang perang pambayad kaya kailangan niyang tanggapin na wala na siyang trabaho.

Sa araw din na iyon ay opisyal na siyang inalis sa kumpanyang iyon. Kinuha na niya ang mga gamit niya at bagsak ang balikat na umuwi ng bahay. Sumalubong sa kaniya ang katahimikan kaya mas lalo siyang nalungkot.

Kung nandoon lang sana si Ivana ay sigurado siyang gagawin nito ang lahat para mapangiti siya. Kaya lamang ay nasa perfume store ito at nagbabantay.

Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at malalim na huminga.

Lugmok na lugmok siya—ganoon ang pakiramdam niya ngayon. Pero hindi siya pwedeng tumagal sa pagkakalugmok dahil may pamilya na siya ngayon. Ngayong araw lang siya ganito. Bukas ay hindi na dahil magsisimula na ulit siyang maghanap ng panibagong trabaho.


-----ooo-----


KANINA pa talaga naiihi si Ivana kaya lang ay hindi siya makaalis sa store dahil natatakot siya na manakawan sila. May mga naka-display kasi silang pabango na pwedeng abutin ng kamay ng taong nasa labas ng kiosk. Kakabukas pa lang niya kaya hindi siya umaasa na darating si Yssa para palitan siya doon.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang tumawag si Nicholas sa cellphone niya. Sinagot niya iyon dahil alam niyang iu-update siya nito tungkol sa nangyari sa trabaho nito. “Babe?” ani Ivana.

“Babe, wala na akong trabaho…” Malungkot nitong sabi. “Pero 'wag kang mag-alala dahil bukas ay maghahanap na ako ng bagong work. May mga sinabing company 'yong mga kaibigan ko sa dati kong trabaho. Hiring daw. Tatlong company ang pag-a-applyan ko bukas.”

“Okay lang, babe. Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Darating naman sa Friday 'yong kita ko sa Youtube. Hindi nga lang iyon ganoon kalaki. Doon na lang tayo muna kumuha ng panggastos,” turan niya. Sa totoo lang ay nakokonsensiya pa rin siya sa ginawa niya. Nang dahil sa kaniya ay nawalan ng trabaho si Nicholas at wala itong kaalam-alam na siya ang may kagagawan.

“Mabuti na lang at may asawa akong katulad mo, babe. Sana hindi mo ako iwanan kahit wala pa akong trabaho.”

“Baliw ka! Bakit naman kita iiwanan? Mag-asawa na tayo, Nicholas. Wala nang makakapaghiwalay sa atin. 'Di ba, for better or for worse? Till death do us part? Nakalimutan mo na yata iyang mga sinumpaan natin noong ikinasal tayo?”

“Hindi naman pero tama ka. Salamat talaga. Mahal na mahal kita, babe!”

“Mahal na mahal din kita, babe…”

“Sige na, babe. Mamaya na lang ulit ako tatawag. Mag-concentrate ka na muna sa pagtatrabaho mo. Ingat ka, ha. Hintayin kita mamayang dinner!”

“Okay, babe. Thank you!”

Nakangiting in-end ni Ivana ang tawag at nagulat siya nang pagharap niya sa kaniyang kaliwa ay may isang matangkad at matipunong lalaki ang nakatayo doon. Mestiso ito at gwapo. Makapal ang kilay, medyo singkit at matangos ang ilong. Manipis ang mapula nitong labi. Tapos bagay na bagay sa hugis ng mukha nito ang buhok nito. Iyong manipis sa gilid at medyo makapal sa itaas. Nakasuot ito ng long-sleeves na polo na kulay black at naaamoy niya ang mabangong panlalaki nitong perfume. Unang tingin pa lang ay masasabi niya na mayaman ang lalaking iyon.

Napahawak si Ivana sa may dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya masabi kung dahil ba sa gulat iyon o dahil sa presensiya ng lalaking nasa harapan niya.

OA naman sa pagka-hot ang lalaking ito! Tili ng utak ni Ivana matapos niyang tingnan ito nang pasimple.

“I’m sorry. Nagulat yata kita.” Malalim at malaki ang boses nito. Boses ng isang DJ sa radio tuwing gabi. Iyong para bang ipinaghehele siya hanggang sa makatulog.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon