CHAPTER 36

3.6K 142 44
                                        

WALANG pagsidlan ang kabang nakalukob kay Nicholas habang kaharap niya sa iisang lamesa sina Ian at Ivana. Sa loob niya ay dinudurog na ng pinong-pino ang puso niya dahil sa nakikitang pag-aasikaso ng asawa niya sa ibang lalaki. Ngunit hindi niya ipinapakita sa labas na nasasaktan siya. Mahigpit na sinabi ni Giovana na huwag siyang magpapaapekto sa kahit na anong makikita niya sa pagpunta niya sa bahay kung saan nakatira sina Ivana at Ian.

Dala ng galit niya kay Ivana sa pagkakabuntis nito sa ibang lalaki ay nagawa niyang pumayag sa bagay na gustong mangyari ni Giovana at iyon ay ang saktan ng sobra ang mga taksil nilang asawa sa paraang hindi aakalain ng mga ito.

Ang plano nila ni Giovana ay ang makapagsama-sama sa iisang lugar at nangyari na iyon. Pangalawa ay ang magawa nilang mapatulog sina Ian at Ivana upang mapaghandaan nila ang totoo nilang plano. Nagawa naman nila iyon dahil sa pagpapa-inom nila sa dalawa ng wine na may kasamang pampatulog. Wala sa bote ng wine ang pampatulog kundi nasa mismong basong ininuman ng dalawa. Bago niya iyon binuhusan ng wine ay inilagay na muna niya ang pampatulog. Hindi kasi pwedeng sa mismong alak na nasa bote dahil makakahalata naman sina Ian at Ivana kapag hindi sila uminom ni Giovana.

Nagtagumpay sila na mapatulog pansamantala ang kanilang mga asawa at pinagtulungan nila itong dalhin sa kwarto sa itaas. Siya ang nagtali kina Ian at Ivana sa upuan. Nakapwesto ang mga iyon paharap sa kama.

Mas lalong nagpuyos sa galit si Nicholas nang makita ang kama sa silid na iyon dahil parang naglalaro sa imahinasyon niya kung paano magtalik doon sina Ivana at Ian. Talagang ganoon na lang ang pagpigil niya sa sarili na huwag saktan si Ian habang wala pa itong malay.

Sa kasalukuyan ay naroon na ulit siya sa dining area at iniinom ang isang uri ng matapang na alak na nakita niya sa cupboard sa kusina. Talagang gumuguhit ang alak sa lalamunan niya sa bawat paglagok niya. Kailangan niya kasing humiram ng lakas ng loob sa alak upang magawa ang plano nila ni Giovana. Sa wari niya ay panghihinaan siya ng loob kung hindi siya magpapakalasing kahit kaunti.

Habang nandoon si Nicholas ay nasa kwarto naman si Giovana upang bantayan sina Ian at Ivana. Naghihintay lang siya ng tawag nito at aakyat na rin siya doon.

Eksaktong naubos na niya ang isang baso ng alak nang tumwag sa cellphone niya si Giovana.

“Umakyat ka na dito, Nicholas. Gising na silang dalawa…” Pagkasabi niyon ni Giovana ay pinutol na rin nito agad ang linya.

Sinalinan muna niya ang baso ng alak. Kalahati lang. Dire-diretso niya iyong nilagok at tiniis ang tila apoy na naglalandas sa kaniyang lalamunan. Mariin siyang napapikit nang maubos niya ang laman ng baso. Malakas niya iyong ibinagsak sa lamesa at saka tumayo.

Sandaling umikot ang paningin ni Nicholas sa bigla niyang pagtayo. Ang bilis at lakas pala ng epekto ng alak na iyon. Napakapit pa siya sa may lamesa dahil parang mabubuwal siya. Napadighay pa siya. Naghalo-halo na ang kinain niya kanina tapos iyong alak. Lumunok na lang siya ng laway at muling kinuha ang bote sabay lagok ng tatlo bago siya tuluyang nagtungo sa kwarto sa itaas.

Bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto. Huminga muna siya nang malalim bago iyon itinulak at binuksan. Huminto siya sa may bukana ng pintuan at tiningnan ang mga taong naroon. Pero tumiim ang tingin niya sa kaniyang asawa na bakas sa mukha ang takot.

“N-nicholas, t-tulungan mo ako. Ano ba ito? Pakawalan mo na kami…” samo ni Ivana sa kaniya.

“Nicholas, ano pang ginagawa mo diyan? Lumapit ka nga dito. And before that, close the door.” Mabilis na singit ni Giovana. Mukhang nag-aalala ito na baka madala siya sa mga salita at pagmamakaawa ni Ivana kaya inunahan na siya nito sa pagsasalita.

Kusang humakbang ang mga paa niya palapit kay Giovana.

“Ano bang gagawin ninyo sa amin?! Papatayin niyo kami?! Sige, gawin ninyo!” galit na sigaw ni Ian. “Pero huwag kayong umasa na matatakasan ninyo ang gagawin ninyo. Isinusumpa ko, kahit nasa impyerno na ako ay pagbabayaran niyo pa rin ang pagpatay sa amin ni Ivana!”

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon