CHAPTER 49

4.8K 143 60
                                    

“BABAE?” Hindi makapaniwala si Giovana sa sinabi ng kasambahay kaya tumawa pa siya. “Paanong dadalhin ni Ian dito ang babae niya? Nasa ospital si Ivana. Manang, ayusin ninyo ang pinagsasabi ninyo sa akin, ha.” Si Ivana lang kasi ang kilala niyang babae ng kaniyang asawa.

Kinakabahang umiling ang matanda. “P-parang hindi po si Ivana ang kasama niya, ma’am. Ibang babae po.”

“Ibang babae?”

“Opo!” Nanlalaki ang mga matang pagkumpirma nito. “Saka kung malaman man ninyong nagsisinungaling ako ay ako na ang magkukusang umalis dito. Pero kapag napatunayan ninyo na nagsasabi ako ng totoo ay dadagdagan ninyo ng two thousand ang sahod ko. Ano, ma’am? Bet po?”

Talagang naisipan pa iyon ng kasambahay niya, ha. “Okay, manang! Ang galing niyo din makipag-deal, ha! Oportunista!” Inirapan niya ito.

“E, ma’am, concerned lang po ako sa inyo.”

“Sa akin concerned ka pero sa pera ko hindi! Anyway, sige. That’s a deal. May proof ka ba?”

“Aba, meron po. At kayo pa mismo ang makakakita sa kanila. Parang hindi pa kasi umaalis sina sir at 'yong kasama niyang babae kaya baka nasa itaas pa sila. Kung ako sa inyo, ma’am, aakyat na ako sa kwarto ninyo. Mahuhuli niyo pa ang mga iyon!”

“Okay. Siguraduhin mo lang na totoo iyang sinasabi mo dahil mawawalan ka talaga ng trabaho, manang!” banta niya at pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pag-akyat sa hagdan.

Bawat baitang na tinatapakan ni Giovana paakyat ay tila dumadagdag din sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. In-expect na niya na makikita niya si Ian na may kasamang ibang babae sa kwarto niya mismo gaya ng sinumbong sa kaniya ng kasambahay. Hindi na niya alam ang magagawa niya oras na totoo nga ang sinabi nito sa kaniya.

Hanggang sa marating na niya ang harapan ng pinto ng kaniyang kwarto. Hinawakan niya ang seradura at inikot iyon. Hindi naka-lock. Marahas niya iyong binuksan upang gulatin si Ian at ang babae nito ngunit natigilan siya nang wala siyang makitang kahit na sinong tao sa loob. Maayos ang kama at halatang walang natulog.

“Good morning, hon! Nandiyan ka na pala.” Malaki ang ngiti ni Ian nang lumabas ito sa banyo ng kwartong iyon. Basa ang buhok at nakasuot ng bathrobe.

“Ay, hindi. Kaluluwa ko lang ito!” pabalang niyang sagot. “Ano 'yong sinasabi ni manang na nag-uwi ka daw ng babae dito kagabi? Nasaan ang babae mo, Ian?!” Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang lalaki at pinanlakihan ito ng mata.

“Ha? Anong babae? Si manang talaga, kung anu-ano ang nakikita.” Tatawa-tawa si Ian.

“'Wag mo akong tinatawanan~ Answer me. Nasaan ang bago mong babae?!”

“Wala. Babae? Ang lakas naman ng loob kong dalhin dito kung meron man.”

“Dinala mo nga before dito si Ivana baka nakakalimutan mo!”

“I know pero hindi ko na iyon uulitin. Ngayon pa ba kung kailan pinapatunayan ko sa iyo na nagbago na ako—”

“Wala akong pakialam kung magbabago ka. Magbago ka man pero itutuloy ko pa rin ang annulment. Kaya sabihin mo, dinala mo ba dito ang babae mo?!”

“Teka lang, parang nagseselos ka yata. Halika nga dito…” Kakabigin sana siya ni Ian pero mabilis siyang umiwas.

“In your dreams! Wala akong pakialam kahit magkaroon ka pa ng maraming babae. Ang ayoko lang ay dinadala mo dito sa bahay ang mga kabit mo! Ayokong binababoy mo ang bahay kung saan ako umuuwi. Naiintindihan mo ba?!”

“Calm down. Wala talaga. Gutom ka lang siguro. Gusto mo bang magpaluto na ako ng breakfast kay manang? Kakausapin ko rin si manang na huwag magsusumbong sa iyo ng kasinungalingan. Nag-aaway tuloy tayo.”

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon