CHAPTER 47

4.1K 159 48
                                    

PARANG sinuntok ng malakas sa dibdib si Ivana sa mga salitang binitiwan ni Nicholas sa kaniya. Kahit alam niya kung saan nito hinugot ang mga iyon ay hindi niya pa ring maiwasang masaktan. Ngunit dapat na siguro siyang masanay sa masasakit na salita at uri ng pakikitungo ni Nicholas sa kaniya. Hindi ba’t nangako siya sa sarili na tatanggapin niya ang lahat ng parusa nito hanggang sa tuluyan na siya nitong mapatawad.

“S-sorry, Nicholas. Sa susunod ay tatandaan ko lahat ng sinabi mo sa akin para alam ko na ang gagawin ko. Pasensiya ka na talaga.” Nakayuko niyang paghingi ng tawad dito.

Muling nagpatuloy sa paglalakad si Nicholas paakyat sa hagdan at doon niya lang ito tiningnan.

Sige lang, magalit ka lang sa akin, Nicholas. Saktan mo lang ako, parusahan mo pa ako. Lahat ng iyan ay tatanggapin ko. Kulang pa ang lahat ng iyan sa sakit na ginawa ko sa iyo… Bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang kaniyang asawa.

Nang nasa itaas na ito ay huminto ito at hinawakan ng isang kamay ang ulo. Ipinilig pa nito iyon at muling nagpatuloy sa paglalakad. Akmang tatalikod na sana si Ivana para balikan si Isabella sa salas nang may marinig siyang malakas na tunog sa itaas na para bang may taong nadapa at malakas na humampas ang katawan sa sahig!

Agad siyang kinabahan nang maisip si Nicholas. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang itaas at nagimbal siya nang makitang padapang nakahiga si Nicholas sa sahig.

“Nicholas!” Agad niya itong dinaluhan at pilit na itinihaya. “Anong nangyari sa iyo?!” Nag-aalala niyang tanong.

Nakabukas ang mga mata ni Nicholas at may malay ito pero parang wala itong nakikita. Nakatingin ito sa kisame at bahagyang nakaawang ang bibig. Tutulungan niya sana itong bumangon pero pumiksi ito nang hahawakan niya sana ito sa braso.

“Hayaan mong tulungan kita. Ano bang nangyari? Nadapa ka ba?”

“Kaya ko. Bitiwan mo ako.” Mariin nitong sabi at tumayo ito.

Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ni Ivana habang nakatingin kay Nicholas. Nakaharap ito sa kaniya pero lampasan ang tingin nito na parang hindi nito alam na naroon siya sa harapan nito. Sa paglalakad ni Nicholas ay nabangga siya nito at muntik na naman itong matumba nang mapaatras ito. Gusto niyang hawakan ang asawa niya pero nangangamba siyang baka mas magalit ito sa kaniya.

“Bakit ka ba nakaharang diyan?!” bulyaw ni Nicholas. Bakas sa mukha ang galit.

Doon na napagtanto ni Ivana na walang nakikita si Nicholas. “B-bakit parang wala kang nakikita? Ano bang nangyayari? Sabihin mo sa akin para matulungan kita!” samo niya.

Tumiim ang bagang ni Nicholas. “Bigla ka yatang naging concerned sa akin, Ivana. Hindi ba’t wala kang pakialam sa akin? Hindi ba’t kahit anong pagmamakaawa ko sa iyo noon, kahit halos mamatay na ako sa paghahanap sa iyo ay wala kang pakialam sa akin? Ano naman sa iyo kung wala akong makita?” Puno ng pait na turan nito.

Naitutop ni ang mga kamay sa bibig nang kumpirmahin nga nito na wala itong makita. “Diyos ko! Nicholas! A-anong gagawin ko?” Natataranta na si Ivana. Ang naisip niya ay dalhin sa ospital si Nicholas upang matingnan ito ng doktor.

“Wala kang dapat gawin. Hindi ko kailangan ang tulong mo. Hindi na kita kailangan sa buhay ko, Ivana. Simula nang piliin mo si Ian kesa sa akin na asawa mo ay ibinaon ko na hukay ang pagmamahal ko sa iyo. Kaya kung iniisip mo na mahal pa rin kita dahil tinanggap kita dito sa bahay ko ay nagkakamali ka!”

“Pwede bang 'wag muna nating pag-usapan iyan? Kailangang madala kita sa ospital!”

“Ayoko. Sinabi ko na, hindi ko kailangan ang tulong mo—” Biglang bumakas sa mukha ni Nicholas ang sakit at napahawak ito sa mga mata nito. Malakas itong sumigaw at napaluhod sa sahig.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon