“IAN! Buksan mo itong pinto—” Muntik nang sumubsob si Giovana nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa kaniya si Ian na may pagtataka sa mukha.
“What?! Bakit sigaw ka nang sigaw?” takang tanong nito sa kaniya.
Malakas niyang itinulak ang asawa at pumasok sa loob. Agad niyang iginala ang mata sa kabuuan ng kwarto. “Nasaan na ang babae mo?! Ilabas mo ang babae mo!” Nanlilisik ang mga mata na humarap siya kay Ian. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa kwarto pero iba talaga ang kutob niya ng sandaling iyon.
“Babae? Anong babae ba ang sinasabi mo?! Wala akong babae. Akala ko ba ay ayos na tayo? Tapos pagbibintangan mo ako ngayon ng ganiyan?”
“Really? E, bakit pinalabas mo lahat ng kasambahay natin? Dahil ba dinala mo dito ang babae mo? Para hindi nila makita, 'di ba? Tapos, nang sinabi kong aakyat ako dito ay inunahan mo ako. Kasi nandito ang babae mo! At ang tagal mong buksan ang pinto—”
“Dahil nasa CR ako! Hindi ko agad narinig ang mga katok mo!”
Matiim na tiningnan ni Giovana si Ian sa mga mata. Hindi niya malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. “You can’t fool me!” Dinuro niya ito.
Nag-umpisa na siyang halughugin ang kanilang kwarto. Inuna niya ang ilalim ng kama. Wala siyang nakita. Kasunod ay ang kaniyang walk-in closet at banyo. Wala rin siyang nakitang babae sa mga iyon. Ang hindi na lang niya natitingnan ay ang closet ni Ian. Pero nang akmang bubuksan na niya iyon ay hinila siya ni Ian palapit dito at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“Paranoid ka lang, hon. Wala akong babae. Totoo na magulo dito at nag-ayos lang ako. Iyong mga kasambahay, inutusan ko silang lahat n maglinis ng pool para matapos sila agad. Iyon lang iyon at wala nang ibig sabihin. Kaya huwag nang kung anu-ano ang iniisip mo. Wala akong babae. Okay?” Mahinahong sabi nito.
“Hindi mo ako maloloko! I can feel it, may babae ka!” Ipiniksi niya ang mga kamay upang makawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Ian. “Let me go!” Impit siyang napatili nang hilahin siya ni Ian palapit dito.
Naglapit ang kanilang mga katawan at kasunod niyon ay naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod ng ulo niya. Isinubsob nito ang labi niya sa labi nito at marubdob siya nitong binigyan ng halik. Noong una ay pumapalag pa si Giovana at pilit na kumakawala sa halik at yakap ng kaniyang asawa. Ngunit nang maramdaman niya na nagiging masuyo na ang hagod ng labi at dila ni Ian ay nadala na rin siya niyon.
Kung kanina ay lumalaban siya para makawala dito, ngayon ay lumalaban na siya sa halik nito. Iniangat siya ni Ian at binuhat. Nakasaklang ang mga hita niya sa beywang nito. Sa lakas nito ay nagawa nitong makapunta malapit sa kama. Ibinagsak siya nito doon at sa kaunting segundo na magkahiwalay ang kanilang mga katawan ay nagawa nitong maghubad. Wala itong itinara na kahit na ano.
Mas lalong nasabik si Giovana nang makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki ni Ian. Namumungay ang mga mata na bumangon si Giovana at lumuhod sa harapan ni Ian. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang katawan ng pagkalalaki ng kaniyang asawa. Dinilaan niya ang namimintog na ulo at akala mo ay gutom na gutom na isinubo iyon!
-----ooo-----
MATAPOS ang mainit na pagtatalik nina Giovana at Ian ay kapwa sila nakatulog dahil sa sobrang pagod. Ngunit halos wala pang limang minuto ay nagising na agad si Giovana. Ang agad na tumakbo sa isip niya ay ang babaeng naroon sa kwarto nila. Akala yata ni Ian ay nawala na iyon sa isip niya dahil binigyan siya nito ng masarap na sex! Kung ganoon ang iniisip nito ay nagkakamali ito.
Bumalik sa alaala niya iyong pagpigil ni Ian sa kaniya nang bubuksan niya sana ang closet nito. Napatingin siya sa closet. Sa laki niyon ay kasya doon ang isang tao. Hindi nga lang isa, e. Hanggang limang tao ay kasya sa closet ni Ian.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romance[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...