“IVANA! Ivana! I’m coming! I love you, Ivana! Aaahhh!!!”
Sinabayan ni Ivana ng mas malakas na ungol ang malakas na pag-ungol ni Ian nang maramdaman niya sa kaloob-looban ng kaniyang pagkababae ang pagpulandit ng mainit-init na katas ni Ian. Nakasandal siya sa dingding ng hotel room na malapit sa bintana at patayo siyang inangkin ni Ian. Nakayakap siya dito nang mahigpit at ang isang binti niya ay nakasaklang sa beywang nito.
Nang matapos na si Ian ay kapwa humihingal na humiga sila sa kama. Umunan siya sa matipunong dibdib ni Ian habang pinapakinggan ang malakas na pagtibok ng puso nito.
“Sobrang happy ko na nandito ka na, Ian. Hindi talaga ako makapaniwala.” Malambing na turan niya.
“Miss na rin kasi kita kaya ikaw na agad ang pinuntahan ko kahit pagod pa ako sa biyahe. Tapos nagtatampo ka pa sa akin? Sinasabi mo pa na mas mahal ko si Giovana kesa sa iyo. Look, imbes na magpahinga ako ay nandito ako sa tabi mo.”
Mas lalong isiniksik ni Ivana ang sarili sa lalaki. “E, sorry na nga kasi… Ikaw kaya, mag-isa ka lang tapos 'yong love mo ay may ibang kasama. Ganoon din ang mararamdaman mo.”
“Naiintindihan ko naman pero sa susunod ay intindihin mo na lang ang sitwasyon ko kay Giovana. Hindi ako basta-basta pwedeng kumalas sa kaniya gaya ng ginawa mo sa asawa mo. Pinaplano iyan nang mabuti. Huwag mo akong madaliin at huwag mong isipin na wala akong plano na maging legal tayong dalawa.”
Labis na nasiyahan si Ivana sa mga sinabi ni Ian. Ngayon ay may assurance na siya na hindi sila habangbuhay na magtatago. “Sorry na talaga. Pero huwag sanang sobrang tagal na ganito tayo. Gusto ko rin na maging malaya na tayo. 'Yong magagawa na natin ang lahat ng gusto natin na hindi tayo natatakot na may makakita.”
“I know… Pero mag-iingat tayo ngayon. Nagdududa na kasi si Giovana. Nabanggit ko kasi ang pangalan mo nang nagsisimula pa lang kaming mag-sex. Nagalit siya. She’s asking kung sino si Ivana. Kaya hangga’t maaari ay huwag kang magte-text or tatawag kapag magkasama kami ni Giovana. Ako ang palaging mauunang tumawag at mag-text sa iyo. Okay?”
“Okay po. Mag-iingat na po ako.” Pabebeng sagot ni Ivana. “Hanggang kailan ka pala dito sa hotel? Umuwi na rin ba si Giovana?”
“Nasa Balesin pa rin siya, e. Umalis ako ng ako lang. Pero mamaya ay uuwi din ako sa bahay para iuwi itong mga gamit ko. Dadalawin na lang kita dito habang inihahanda ko iyong bahay kung saan ka tutuloy ng permanente. Ayaw ko kasi na dito ka sa hotel ng matagal.”
Napabalikwas ng bangon si Ivana sa narinig mula kay Ian. “B-bahay?! Tama ba ang narinig ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Mula sa pagkakahiga ay umupo si Ian at nakangiting tinanguhan siya. “Tama ang narinig mo. Bahay mo. Bahay nating dalawa. May kinuha kasi akong bahay sa Laguna na sorpresa ko sana kay Giovana pero nagbago na ang isip ko. Sa iyo ko na iyon ibibigay. Tapos na ang bahay na iyon at kaunting gamit na lang ang kulang. Hindi iyon alam ni Giovana dahil hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol doon kaya safe ka doon.” Paliwanag ni Ian.
“Thank you, Ian!” Masayang turan ni Ivana sabay halik ng mabilis sa labi ni Ian. “Ibig sabihin, doon na ako titira?”
“Yes. Doon ka na titira at doon na rin kita titirahin!” biro ni Ian.
“Hala! Ang naughty mo talaga, Ian!” hagikhik ni Ivana.
Napakunot-noo si Ian. “Alam mo, mas maganda siguro kung meron tayong tawagan.”
“Tawagan? Anong tawagan ang ibig mong sabihin?”
“Term of endearment… Suggest ka nga.”
Mataman na nag-isip si Ivana habang kinikilig. Talagang seryoso na si Ian sa relasyon nila dahil gusto pa nito na meron silang tawagan. “Ano kaya kung baby? Para kasi akong baby mo, e. Spoiled na spoiled ako sa iyo!” Humagikhik siya na akala mo ay kiniliti ang tumbong.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Roman d'amour[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...