CHAPTER 22

4.1K 110 43
                                    

PUMASOK si Giovana sa banyo upang maligo na. Nag-aya kasi si Ian na mag-dinner sila sa labas tutal ay hindi pa tapos ang one-week na pahinga niya. Halos kakatapos lang din nila sa pangalawang beses nilang pagtatalik. Talagang ginalingan ni Ian na para bang sinasabi nito na kung may iba itong babae ay wala na itong gana sa kaniya.

Ngunit hindi siya tanga at hindi siya uto-uto. Hindi siya madadala ni Ian sa mga ganoon at hindi nito mabubura nang basta lang ang pagdududa niya. Ang totoo niya ay umalis siya sa Balesin nang umalis si Ian dahil may kutob siyang makikipagkita ito sa babae nito. Balak niya talaga na tahimik na mag-imbestiga ngunit sumabog na siya kanina nang naghinala siyang nasa bahay nila ang babae ni Ian. Pero wala siyang nakita at panay ang sabi ni Ian na wala itong ibang babae at wala siyang dapat na ipagduda.

Sige, ibibigay niya ang gusto ng kaniyang asawa. Magkukunwari siya na hindi na siya nagdududa at tahimik na ulit siyang kikilos para malaman niya ang katotohanan. Kapag kasi alam nito na naghihinala siya ay mag-iingat ito sa mga kilos nito. Pero kapag alam nito na may tiwala na ulit siya dito ay magiging kampante ito. Mas madali niyang mahuhuli si Ian kapag ganoon.

Inalis muna ni Giovana ang iniisip niyang iyon at nag-shower na siya. Pagkuha niya sa bote ng paborito niyang body wash ay nagtaka siya dahil nabawasan na iyon. Bagong bili niya iyon. Nakalagay kasi iyon sa clear bottle kaya makikita niya agad kung gaano karami ang laman. Imposibleng si Ian ang gumamit niyon dahil pambabae iyon. Napansin din niya na basa ang loofah niya o iyong pangkuskos niya sa kaniyang katawan. Hindi rin iyon ginagamit ng asawa niya dahil meron itong sariling ganoon.

“Fuck you, Ian!” Bumangon na naman ang galit sa dibdib niya sa naisip niya kung bakit basa ang loofah niya at bawas na ang body wash niya. Pinapunta nga ni Ian ang babae nito at mukhang naligo pa ang bruhang iyon. Sa kakapalan ng pagmumukha ay ginamit pa ang mga gamit niya!

Labis na nainis si Giovana kaya hindi na niya tinapos ang kaniyang pagligo. Nawalan na siya ng gana. Itinapon niya sa basurahan ang body wash at loofah dahil nandidiri siyang isipin na ginamit iyon ng babae ni Ian. Baka lumipat sa kaniya ang kati ng kung sino mang babae na iyon.

Naisip niya tuloy na baka hindi lang ang mga iyon ang ginamit ng babae ni Ian kundi ang iba pa niyang ginagamit sa katawan. Chi-neck niya ang mga ginagamit niya sa mukha. Unang tingin pa lang niya ay alam niyang may gumalaw niyon.

Nanggigigil na talaga siya! Tinuyo niya ang sarili at nagsuot ng bath robe. Lumabas siya ng banyo at sa walk-in closet naman siya nagpunta. Tiningnan niya ang mga damit, sapatos at bag niya doon. Siya ang mismong nag-aayos ng mga gamit niya dahil ayaw niyang may ibang humahawak ng mga iyon kaya alam niyang nagalaw din ang mga iyon!

“Hindi ka na nakuntento sa pakikialam sa asawa ko, pati ba naman mga gamit ko!” puno ng gigil na bulong ni Giovana.

Mariin na naikuyom ni Giovana ang mga kamay at parang gusto niyang sugurin ng suntok si Ian at ang babae nito pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Alam niyang itatanggi lang ni Ian ang akusasyon niya kapag ngayon niya ito kinompronta. Dapat ay may malakas siyang ebidensiya o kaya ay mahuli niya ito sa akto upang hindi na ito makapagsinungaling pa gaya ng ginawa nito kanina.

Sige lang, magpakasaya lang kayong dalawa dahil bilang na ang mga araw na magiging masaya kayo! Galit na turan niya sa sarili habang nakatingin sa kawalan at nanlilisik ang mga mata.

Hanggang sa maalala niya ang CCTV sa bahay nila. Kung may pinapunta dito si Ian na babae ay malaki ang posibilidad na nakunan ng video ang pagpasok ng babae sa bahay nila. Tama! Iyon ang magiging isa sa ebidensiyang pwede niyang isampal kay Ian.


-----ooo-----


“PARTY, party!!!” Malakas na sigaw ni Ivana habang sumasayaw sila ni Yssa sa gitna ng bar kasama ang iba pang mga tao na naroon. Sinasabayan nila ang maharot na tugtog. Wala nang pakialam si Ivana kung pinagtitinginan siya dahil sa sobrang sexy ng suot niyang damit. Maikli ang suot niyang dress at may malalim na neckline. Wala siyang bra. Nipple tape lang ang gamit niya kaya akala mo ay dalawang bolang dini-dribble ang dibdib niya habang sumasayaw.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon