CHAPTER 35

3.9K 129 50
                                        

“HINDI ko na kailangang ipagluto si Ian ng mga sinasabi mong pagkain dahil ako pa lang ay sapat nang reason para ma-impress siya sa akin at mag-stay. Saka never kasi akong nagkulang ng time kay Ian kaya hindi niya talaga ako iiwan!” buong pagmamalaking sabi ni Ivana kay Giovana.

Napapalakpak si Giovana sa kaniyang tinuran. “Wow! Very confident naman this girl! Well, galingan mo na lang and goodluck—” Napahinto sa pagsasalita si Giovana nang may marinig silang ugong ng sasakyan sa labas. Kasunod niyon ay isang busina. “Si Ian na ba iyon?”

“Siya na nga—ang boyfriend ko!” Mariin niyang sabi. “O, dito ka lang. Ako na ang magbubukas ng gate ng daddy ng magiging baby ko.” Hinimas-himas pa niya ang tiyan niya.

“Kung makapagsabi ka naman ng dito lang ako. Feeling mo ba ay makikipag-unahan ako sa iyo na ipagbukas ng gate si Ian. Sige na, yaya. Buksan mo na ang gate para makapasok na ang sir mo!” At isang mapang-asar na ngiti ang sumilay sa labi ni Giovana.

Talagang binubwisit siya ng Giovana na ito pero hindi niya ipapahalata na nabubwisit na siya dahil mas magiging masaya iyo. Kunwari ay hindi siya apektado sa pinagsasabi nito sa kaniya.

Hindi na lang nagsalita si Ivana. Inirapan niya muna ito bago ito iniwan sa dining area. Ipinagbukas niya ng gate si Ian at isinarado din iyon nang makapasok na ang sasakyan. Pagkababa nito ay agad niya itong hinalikan sa labi at niyakap.

“Aba, mukhang na-miss mo ako, mommy, a!” puna ni Ian.

Hinila na niya ito papasok upang ipakita kay Giovana kung gaano sila ka-sweet ng asawa nito. Quota na ito sa pang-aasar sa kaniya kaya siya naman! Tingnan lang niya kung hindi kusang umalis si Giovana sa sobrang selos.

Nang nasa salas na sila ay saka lang niya sinagot si Ian. “Sobrang miss kaya kita, daddy! Alam mo naman, kahit one second ka lang mawala ay miss na miss na agad kita!” Sinadya niyang lakasan ang pagsasalita upang marinig ni Giovana.

“Ang lakas mo naman magsalita, mommy!”

Akala mo ay isa siyang unggoy kung makakapit kay Ian. Dinala niya ito sa dining area. “E, kasi nga meron tayong bisita, daddy. Ang soon to be ex-wife mo!” Inginuso niya si Giovana na nakatayo malapit sa lamesa.

Pabebe itong ngumiti kay Ian at kumaway. “Good evening, hon! How’s your day?” Magiliw nitong tanong.

Hmp! Akala mo kung sinong anghel ang gaga! Naiirita niyang bulong.

“G-giovana!” Gulat na gulat na bulalas ni Ian. Akala mo ay nakakita ito ng multo.

“In the flesh! Ito pala 'yong bahay na ibibigay mo sana sa akin, 'no? Ang pangit pala. Mabuti na lang hindi mo ibinigay sa akin.”

“Daddy, siya ang visitor natin!” Maarteng sabi ni Ivana.

“Ano ba iyang tawagan ninyo. Mag-ama ba kayo at daddy ang tawag mo sa asawa ko. Anak ka ba namin, Ivana?” malakas na tumawa si Giovana. “I’m just kidding!” Umupo ito sa pinakadulong upuan sa dinner table. “Anyway, umupo na rin kayo.”

“Pwede ba, Giovana, kung manggugulo ka lang ay umalis ka na lang?”

“I’m not leaving. Hindi ako manggugulo. In fact, nandito ako para sa isang bagay na gusto ninyong mangyari. Our annulment!”

Kapwa natigilan silang dalawa ni Ian sa sinabi ni Giovana. Nagkatinginan pa sila. Muli silang napatingin kay Giovana nang ipatong nito sa ibabaw ng table ang isang envelope.

“Nandito sa envelope ang annulment papers natin at kailangan na lang ay pirma natin, Ian. Ang gusto ko lang ay makapag-dinner man lang tayo for the last time. Para makapag-usap din. Hindi ako nagpunta dito para makipag-away kaya umupo na kayo.” Pangiti-ngiti pa ito habang nagsasalita.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon