CHAPTER 41

4.1K 147 39
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








“GHORL! Anong nangyari? Bakit ganiyan ang face mo?” Gulat na tanong ni Yssa kay Ivana nang makapasok ang huli sa tinutuluyan nitong apartment. Humiwalay na kasi ang kaibigan niya sa pamilya nito ilang buwan na ang nakakalipas.

Matapos niyang makausap si Yssa sa cellphone kanina at nalaman niyang wala itong pasok ay dumiretso na siya sa apartment nito. Isinama niya si Isabella dahil hindi niya kayang iwanan ang anak na mag-isa sa bahay na ang kasama ay si Ian lang. Baka kapag umiyak na naman ang anak niya ay matuloy na ang pananakit nito.

“Pwede bang umupo muna?” Bahagya pa ring nanginginig ang pagsasalita niya dahil sa sobrang takot. Alam niya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Yssa nang makita siya. Iyon ay dahil may pasa siya sa paligid ng kaniyang bibig na dulot ng pagsuntok doon ni Ian.

“Okay. Umupo ka muna. Ikukuha lang kita ng maiinom. Ano bang gusto mo?” bakas sa mukha ni Yssa ang pag-aalala. Inalalayan pa siya nito sa pag-upo sa sofa habang karga niya ang anak.

“Kahit tubig na lang…” sagot ni Ivana.

Ipinatong niya sa tabi ang isang bag kung saan nakalagay ang ilang gamit ni Isabella. Hindi sila naglayas. Nagdala lang siya ng ilang piraso ng damit ng anak niya kung sakaling madumihan nito ang suot na damit. Meron ding diaper at gatas para mapadede niya pa rin ito kahit nasa biyahe sila. Babalik din sila sa bahay mamaya. Kailangan lang talaga niya ng makakausap dahil hindi niya kayang sarilinin lang ang bigat na nasa dibdib niya ngayon.

Iniwan siya saglit ni Yssa at pagbalik nito ay binigyan siya ng isang baso ng orange juice na ininom niya agad. Humila ito ng pang-isahang upuan at pumwesto ng upo sa harapan niya. “Now, sabihin mo na kung bakit may pasa ka sa mukha. Anong nangyari sa iyo, ghorl?” Matiim na tanong ni Yssa.

Napayuko si Ivana at napaiyak dahil sa labis na awang nararamdaman niya ngayon para sa kanila ni Isabella. “S-sinaktan ako ni Ian. Siya ang may gawa nito sa akin…” Pag-amin niya sabay angat ng mukha. Wala na siyang pakialam kahit makita pa ng kaibigan niya ang kaniyang pag-iyak. “Sinuntok niya ako nang sampalin ko siya.”

“What?! Seryoso ba iyan? Naku, e, bakit mo sinampal? Gumanti lang siguro siya kaya ka niya—”

“Yssa! Umamin na si Ian sa akin na meron siyang ibang babae!”

Natigilan si Yssa ng sandali. “T-talaga? Sinabi ba niya kung sino?”

Umiling si Ivana. “Hindi. Ang sabi niya, ginawa niya iyon dahil sa hindi na ako attractive sa kaniya. S-saka pina-DNA test din niya si Isabella at lumabas na hindi niya anak si Isabella!”

“OMG!” bulalas ni Yssa. “So, kaninong anak pala si Isabella?”

May halong inis na sinagot niya ang tanong nito. “Kanino pa ba? Siyempre kay Nicholas. Ano bang klaseng tanong iyan?!”

“Baka lang kasi may iba pang lalaki na umano sa iyo bukod kina Ian at Nicholas.”

“Wala na. Okay? Silang dalawa lang. K-kaya sigurado na akong si Nicholas ang tatay ng anak ko.”

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon