WALANG perpektong tao. Lahat tayo ay nagkakamali, lahat ay nagkakasala, lahat ay naliligaw at lahat ay dapat nabibigyan ng pagkakataon. Kagaya ni Ivana na nagkamali at nagpadala sa tukso kaya nagawa niyang pagtaksilan ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Oo, nagkaroon ng pagkukulang si Nicholas noon pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang saktan niya ito at iwanan. Ngayon, nabaligtad na ang mundo nina Ivana at Nicholas.
Kung dati’y si Nicholas ang lumuluhod sa harapan niya at nagmamakaawa, ngayon ay siya na ang gumagawa niyon. Nagmamakaawa siya para sa isa pa at huling pagkakataon para itama niya ang lahat. Naniniwala si Ivana na hindi pa huli ang lahat para muling mabuo ang pamilyang siya mismo ang sumira.
Sa ginawang pagpapalayas ni Ian sa kaniya at sa pagtangka nito sa buhay ng kaniyang anak ay doon niya napagtanto na hindi si Ian ang lalaking nais niyang makasama hanggang sa kaniyang pagtanda. Marahil ay daan na rin ang pagkakaroon nina Ian at Yssa ng relasyon upang makawala siya sa impyernong maaari niyang kasadlakan sa piling ni Ian. Bumabalik siya ngayon kay Nicholas dahil napag-isip-isip niya na kahit kailan ay hindi ito nawala sa puso niya.
Tama ang kaniyang nanay, dapat niyang piliting buuhin ang kaniyang pamilya dahil meron silang anak ni Nicholas. Kahit para kay Isabella na lang. Ngayon pa lang ay handa na siya sa parusa ni Nicholas at sa mapanghusgang lipunan na ang tanging alam ay ang manlibak at magsabi ng masama sa mga taong katulad niyang nagkaroon ng pagkakamali. Mga taong akala mo ay napakalinis at walang bahid ng dungis. Hahayaan niya lang ang mga ito at magpo-focus siya sa pagsasa-ayos ng kaniyang buhay…
“G-Good morning, babe—Nicholas pala.” Nahihiyang bati ni Ivana kay Nicholas nang pumasok ito sa kusina. “Pasensiya ka na, nakialam na ako sa kusina mo para magluto ng almusal.”
Kasalukuyang nagluluto ng sinangag si Ivana at patapos na siya nang dumating doon si Nicholas na nakasuot lang ng boxers short. Magulo ang buhok nito at halatang kakagising lang. Napansin din niya na gumanda ang katawan nito. Nagkaroon ng muscle at maganda ang form. Nagmukha pa nga itong bata ng ilang taon sa halos dalawang taon nilang hindi pagkikita.
Kagabi ay nalaman na rin sa wakas ni Nicholas na anak nito si Isabella. Sa pagmamakaawa niya at ng kaniyang nanay ay tinanggap siyang muli ni Nicholas at pati na si Isabella. Bagaman at nakita na nito ang DNA result ni Isabella at Ian ay sinabi nitong nais pa rin nitong ipa-DNA test ang anak niya upang makasiguro ito. Aminado si Ivana na kakapalan na ng mukha itong ginawa niyang pagbalik kay Nicholas pero wala na siyang pakialam. Ang goal niya lang ay tuluyan siyang matanggap ng kaniyang asawa at maging maayos na ang lahat. Wala siyang pakialam kung gaano katagal. Kahit habangbuhay pa niyang patunayan kay Nicholas ang pagsisisi niya ay gagawin niya iyon.
Maagang nagising si Ivana upang siguruhin na maipagluluto niya ng breakfast si Nicholas bago ito pumasok sa burger house. Kahit papaano ay may nalalaman siya sa naging buhay nito noong naghiwalay sila. Meron na itong burger house at business partner nito si Giovana doon. Hindi niya alam kung paanong nangyari tila naging magkaibigan sina Giovana at Nicholas. Marahil ay naka-relate ang dalawa sa isa’t isa kaya ganoon.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romantik[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...