“WELCOME to my new home!” buong pagmamalaking sabi ni Ivana nang buksan niya ang main door ng bahay na ibinigay sa kaniya ni Ian. Kasama niyang pumasok doon si Yssa at kitang-kita niya ang pagkamangha sa mukha nito habang iginagala nito ang mata sa kabuuan ng bahay. Siyempre, nagustuhan niya ang reaksiyon ng kaniyang kaibigan.
“Wow! Pucha! Seryoso? Ibinigay ito sa iyo ni Ian?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yssa. Umupo ito sa sofa. “Ang lambot! Ibang-iba ka na talaga, Ivana. Iba na si Ivana!”
Tinawanan niya ang sinabi ni Yssa. Mataray niyang hinawi ang buhok. “Of course! Buhay reyna na ako dahil kay Ian. Biruin mo, sa asawa niya dapat ito pero nagbago ang isip niya nang makilala niya ako. Ibinigay na lang niya sa akin. Iyon nga lang, disappointed pa rin ako kasi mas maganda pa rin ang bahay kung saan nakatira si Giovana. Mas malaki pa! Doon kasi ako nababagay at hindi dito!” Nakabusangot ang mukha na tumabi siya sa pagkakaupo sa kaibigan.
“Ano ka ba, ghorl? Okay na ito. Atleast, maganda pa rin itong bahay na ito, 'no. Malaki rin tapos ang mga gamit, halatang pricey! Grabe talaga palang mag-regalo iyang Papa Ian mo. May kapatid ba siya? Baka pwede mong ireto sa akin!”
“One and only lang si Ian ko at sobrang swerte ko kasi sa kagandahan ko siya nahumaling!” Pagmamalaki pa ni Ivana. “Balik tayo sa bahay… Oo nga, malaki at maganda rin ito pero naniniwala ako na I deserved more. Aba, ibang level kaya ang performance ko kapag alam mo na. Dinadala ko siya sa langit. Lampas pa nga, e!”
“Bongga naman pala itong friend ko! Hindi papakabog! Pero ganiyan naman talaga dapat kapag kabit, 'di ba? Gagalingan mo dapat palagi. Kasi kung hindi mo gagalingan ay baka bumalik lang din siya sa original wife. Pagkatapos, ikaw ang iiyak sa huli kasi nga—” Napahinto sa pagsasalita si Yssa nang makita siya nitong masama ang tingin dito. Hindi niya nagugustuhan ang mga lumabas sa bibig nito. “Ah, e… Sorry na, ghorl. Joke lang iyon. Actually, what I’m trying to say is… sapat na ang ganda at alindog ng isang Ivana para mag-stay sa kaniya si Papa Ian! Ganda mo kasi, ghorl. Promise!”
Inirapan niya si Yssa kahit alam niyang totoo ang sinabi nito. Truth hurts naman talaga. Saka ramdam niya ang mga sinabi ni Yssa dahil totoo na simula nang maging kabit siya ni Ian ay parang palagi na lang siyang nakikipag-kumpetensiya kay Giovana kahit na hindi nga yata nito alam na nag-e-exist. Dapat ay mas sweet siya, mas caring at mas malambing. Dapat din na mas mahusay siya pagdating sa pagpapaligaya. Isa sa kinatatakutan ng kabit na katulad niya ay ang ma-realize ng lalaking mahal nila na mas mahal pala nito ang asawa nito kesa sa kaniya. Iyong oras na babalik na ito sa pamilya nito at maiiwanan siyang mag-isa. Kaya nga ginagawa niya ang lahat upang hindi siya iwanan ni Ian.
Maya maya ay tumayo si Yssa at inilabas nito ang cellphone. “Alam mo, masyadong tahimik dito sa house mo. Dapat may music!” Nilapitan nito ang isang mamahaling bluetooth speaker at binuksan nito iyon. I-ki-nonek nito ang cellphone nito sa speaker at nagpatugtog. “'Eto! Bagong song ito na happy-happy lang!”
“Anong song ba iyan?” tanong niya. Pinilit na lang niyang kalimutan ang mga sinabi ni Yssa at sasama lamang ang loob niya.
“Bago ito. Uso nga ito sa Tiktok, e! Listen…” At sinabayan na nga ni Yssa ang kantang pumapailanlang sa bluetooth speaker. “Ako ay pinagpalit, pero 'di 'yon masakit. Alam ko sa sarili ko na ako ang kabit! Yah, wait… Uhh… Ako ang kabit—”
Naiinis na binatukan niya si Yssa at pinatay niya ang bluetooth speaker.
“Aray ko naman, ghorl! Bakit po pinatay? Ganda kaya ng song!” reklamo nito habang hinihimas ang nasaktang batok.
“Ako ba ay pinagloloko mo, Yssa?! Anong ako ang kabit? Pinaparinggan mo ba ako!” May pagduro pa talaga siya sa kaibigan.
“H-ha? E, sa iyon ang lyrics ng kanta—”
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romance[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...